Carla Abellana: Rumesbak sa mga Bashers 80% Sold Na Ang Ibinibenta

Walang komento

Martes, Pebrero 27, 2024


 Matapos maging laman ng mga usap-usapan sa ilang ga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbibibenta ng Kapuso actress na si Carla Abella ng mga dugyot pero over-priced na mga pre-loved items, Carla Abellana rumesbak sa kanyang mga bashers.


Kamakailan laman ay ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram account ang mga nakuha niyang positive feedbacks mula sa mga bumili ng kanyang mga preloved itema na sinasabing over-priced at basura na.


Sa isang screenshot, makikitang sinabihan ni Carla Abellana ang kanyang costumer na pinipintasan umano ng marami ang kanyang mga ibinibenta kaya naman pumapayag umano ang aktres i-check muna ng mga ito ang mga items at kung hindi nila magustuhan ay handa siyang magbigay ng refund.


Sa huli ay nagustuhan naman ng nasabing buyer ang kanyang ibinibenta at para sa kanila ay tama lamang ang presyo nito.


Iginiit rin ng kanyang buyer na choice ng mamimili kung bibilhin pa ang mga ganoong condition na mga gamit.


Marami rin sa mga fans ng aktres ang nagsasabing tama lamang ang presyo ni Carla Abellana sa kanyang mga item dahil mula naman ang mga ito sa mga kilalang brand.


May mga nagpapayo rin kay Carla Abellana na dedmahin na lamang ang mga bashers na nagsasabing mahal ang kanyang presyo kung pagbabasehan naman ang kondisyon ng kanyang mga ibinibenta.


May mga nagsasabing ang mga namamahalan ay iyong mga tao na hindi afford ang bumili ng mga nasabing gamit.


Matatandaan na nakatanggap ng matinding pambabatikos si Carla Abellana nitong unang bahagi ng February dahil sa pagbibenta niya ng mga preloved items.


Marami ang nagsasabing hindi na maganda ang mga quality nito subalit napakamahal pa rin ng selling price ni Carla.


May mga nagsasabi pang may isang item na mas mahal pa ang pagkakabenta ni Carla Abellana kaysa sa original selling price nito.


Kaagad naman itong pinabulaanan ni Carla Abellana at iginiit niyang hindi siya nagbibenta ng mga items na mas mahal pa kaysa sa pagkabili niya sa mga ito.



Kilalang Aktor Nag-Ngas Ekis Na sa Producer

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang isang blind item patungkol sa isang kilalang aktor na maaring matanggal sa isang teleserye dahil sa ipinakita nitong kagaspangan sa production team.


Markado ang isang kilalang aktor sa producer ng isang pelikula dahil sa ipinakita nitong kaangasan habang nagpi-filming sila out of town. May kinunan umanong eksena, kung saan maliligo sila sa dagat kasama ang buong cast.


Ibinilin naman umano ng production staffs sa mga personal assistant ng mga artista na magdala sila ng tuwalya para may ipamunas sa mga alaga nila. Subalit, nakalimutan umano ng personal assistant ng kilalang aktor na magdala ng tuwalya para sa kanyang alaga.


Nang umahon umano ang alaga ay wala itong naibigay na pamunas, may dala naman umanong extra na tuwalya ang production team kaya ito na lamang ang inabot sa kilalang aktor.


Ang ibang mga artista na kasama nila sa set ay may kanya-kanyang dalang mga tuwalya kaya naman medyo napahiya si aktor dahil siya lang ang walang pamunas sa pag-ahon mula sa dagat.


Inakala naman ng lahat na tapos na ang eksena sa dagat, subalit biglang gumawa ng eksena si Kilalang Actor. Galit na galit nitong sinugod ang production staff at sinabing bakit tinalakan ng mga ito ang kanyang PA.


Tinanong rin nito ang production staff sa dahilan ng mababang pagtrato nila sa kanyang PA kung ito ba ay dahil sa mababa lamang ang katayuan nito sa buhay kaya hindi maganda ang trato nila.


Nagulat naman ang production staff dahil marami ang nakawitness nang tanungin niya ang PA ng kilalang actor kung bakit kinalimutan nitong magdala ng tuwalya. Hindi umano inamin ng PA na kinalimutan niyang magdala. Ipinalabas lamang umano nito na hindi siya nasabihan ng staff.


Sa labis na inis ng nasabing kilalang aktor ay muntikan na umano nitong mapagbuhatan ng kamay ang production staff.


Nang ipaliwanag naman sa kanya ang lahat ay bigla na lamang itong nag-walk out. Matapos ang ilang mga oras ay humingi naman ng paumanhin ang kilalang aktor sa production staff at sinabing nagkaroon lamang umano ng miscommunication.


Sa mas madaling salita, naging exaggerated ang mga kwento ng PA sa kilalang aktor kaya naman nagalit ito sa production staff.


Samantala, nakarating naman umano sa producer ang nasabing insidente kaya naman markado na umano ang kilalang aktor ang masama pa ay ikinuwento rin niya ito sa iba pang mga producers.

Joshua Aquino Tumugtog ng Piano Para Sa Inang Si Kris Aquino at Kay Mark Leviste!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay naghihintay ang mga fans ng Queen Of All Media na si Kris Aquino ng panibagong update patungkol sa pakikipaglaban nito sa kanyang karamdaman doon sa Amerika.


Matatandaan na nitong February 14, 2024 ginulat ni Kris Aquino ang kanyang mga tagahanga nang aminin niya sa lahat ang totoong kalagayan ng kanyang kalusugan doon sa Amerika.


Inamin ni Kris Aquino na nadadagdagan ngayon ang kanyang mga karamdaman bukod sa mga kinakaharap niyang mga autoimmune diseases nagkaroon na rin ng complications ang kanyang lungs at heart kaya naman maari na umano siyang bigla na lamang na mag-cardiac arrest.


Lalo pang nagpapahirap sa sitwasyon ni Kris Aquino ang pagiging allergic niya sa halos lahat ng bagay, na nagpapahirap sa kanyang mga doktor sa pagbibigay sa kanya ng mga gamot para malabanan ang kanyang mga karamdaman.


Isiniwalat din ni Kris Aquino na may isang gamot na susubukan ang mga doktor na iturok sa kanya na maaaring maging dahilan ng kanyang paggaling at tuluyang pagkawala. 


Ayon kay Kris Aquino, may malaking risk na dala ang nasabing gamot at hindi pa umano sigurado kung kakayanin ito ng kanyang katawan. Ang gamot umanong ito ay hindi basta-bastang ibinibigay sa mga may sakit.


Kung sakali mang makayanan ng kanyang katawang ang pasiunang baby dosage na ibibigay sa kanya ay kailangan pa niya ng apat na doses para makumpleto ang treatment, pagkatapos nito ay bahala na umano ang panginoon sa kanya.


Hiniling rin ni Kris Aquino sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya na patuloy siyang ipagdasal para malampasan niya ang lahat ng mga pagsubok sa buhay.


Samantala, makikita naman sa mga kumakalat na larawan ngayon sa social media ang kaganapan ngayon sa Amerika kung saan makikitang naroon rin si Mark Leviste at ang mga anak nito para ipakita ang kanilang pagsuporta at pagmamahal para kay Kris Aquino.


Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Mark Leviste sa kanyang social media account ang pagpa-piano ni Josh para sa kanila ni Kris Aquino.



Nagsimula Ang Lahat Sa Italy! Paulo Avelino Kim Chiu Matagal Nang Sinesekreto Ang Relasyon

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga isiniwalat ni Cristy Fermin patungkol sa totoong relasyon ng rumored couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu, na ayon sa mga tsika ay matagal nang nagkakamabutihan subalit tinatago lamang nila sa publiko.


Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin isiniwalat niyang matagal nang nagkakamabutihan sina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Ayon kay Cristy Fermin, sa Italy nabuo ang kanilang pagmamahalan subalit tinatago umano ito ng dalawa upang makaiwas sa mga kontrobersiya na maaring makaapekto sa kanilang ginagawang proyekto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis na pinag-uusapan ngayon ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu matapos ang matagumpay nilang teleserye na Linlang. Marami ang kinilig sa kanilang loveteam at umaasa na sana ay maging totohanan na ang kanilang relasyon ngayong pareho na sila malaya sa kani-kanilang mga karelasyon.


Samantala sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, kasama si Romel Chika sa totoong estado umano nina Paulo Avelino at Kim Chiu, kung saan isiniwalat niyang nabuo ang relasyon ng dalawa habang ginagawa pa lamang nila ang kanilang teleseryeng Linlang.


Matatandaan na nagpunta noon ang dalawa sa Italy para sa isang show at para i-promote na rin ang kanilang pinagtatambalang teleserye, marami naman ang nakapansin na magmula noon ay tila iba na umano ang naging treatment nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Pagsisiwalat pa ni Cristy Fermin na may mga fans umano sa Italy na nakikita ang dalawa na sobrang sweet sa isa't-isa habang naglalakad, nakunan pa ito ng video. Subalit nang mapansin umano ng actress na may kumukuha sa kanila ng video ay kaagad itong umiwas sa aktor.


Marami naman sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang labis na nasiyahan sa isiniwalat ni Cristy Fermin. Maging sina Cristy ay inamin rin na nakaramdam din sila ng kilig sa dalawa dahil tila perfrect umano ang mga ito sa isa't-isa at hindi rin maitatanggi ang lakas ng kanilang chemistry.


Sa  ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag sina Paulo Avelino at Kim Chiu patungkol sa isiniwalat na ito ni Cristy Fermin.


@mayang0422 Milan is where it all began. 💚❤️ #kimpau #kimchiu #pauloavelino #milan #italy ♬ I Never Knew Love - Lovi Poe

Julia Barretto Tinawag Na Manggagamit?!Pagbati Sa Ama Na Si Dennis Dahil Lang Sa Kanyang Movie?

Walang komento


 Tinatawag ngayon bilang manggagamit ang aktres na si Julia Barretto matapos batiin ang kanyang ama sa kaarawan nito sa gitna ng promotion sa panibago niyang project.


Nababahiran ngayon ng intriga ang ginawang pagbati ni Julia Barretto sa kaarawan ng kanyang ama na si Dennis Padilla dahil itinaon pa umano talaga ni Julia ang pagbati habang showing ang kanyang pelikula.


Samantala, nauna nang ibinahagi ni Dennis Padilla ang labis na kasiyahan sa natanggap niyang mensahe mula sa anak na si Julia Barretto dahil sa wakas ay tila napatawad na siya nito.


Ipinahayag pa Dennis Padilla na talagang naluha siya ng mabasa ang mensahe dahil hindi niya ito inaasahan at nangyari pa ito sa mismong kaarawan niya.


Ayon sa pagbabahagi ni Dennis Padilla, nakatanggap umano siya ng mensahe mula sa kanyang anak kay Marjorie Barretto na si Julia Barretto sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong February 9, 2024. Naluha pa umano siya sa mensahe ng kanyang anak dahil tagus ito sa kanyang puso.


"Naluha ako roon, that was sweet and para bang tagos sa puso yung mararamdaman that's why I'm very happy."


Umaasa naman si Dennis Padilla na sa susunod ay personal na silang magkikita ni Julia Barretto at makakasama rin nila ang mga kapatid nitong sina Claudia Barretto at Leon Barretto.


Sa gitna ng kasiyahan ni Dennis Padilla dahil sa pagbati ng kanyang anak sa kanyang kaarawan, hindi naman mapigilan ng ilang mga netizens na intrigahin si Julia Barretto dahil kung hindi pa umano ito nagkaroon ng movie kasama si Aga Muhlach ay hindi ito magre-reach out sa kanyang ama na si Dennis Padilla.


Marami rin ang naghinala na ginagamit lamang umano ni Julia Barretto ang kanyang ama na si Dennis Padilla dahil alam umano ng aktres na kaagad itong ibabahagi sa social media dahil ito naman ang madalas na gawin ng kanyang ama.


Matatandaan na ilang beses na ring nag-reach out si Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie subalit dinidedma lamang nila ito, kaya naman hindi rin masisisi ang ilang mga netizens kung may hinala silang hindi naman bukal sa loob ni Julia ang pagbati sa kanyang ama.


Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat ang pagbibigay ng mensahe ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak sa bawat mga special na okasyon kagaya na lamang ng pasko at kaarawan ng mga ito subalit kailanman ay hindi naman siya nakakakuha ng sagot mula sa mga ito.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens rin naman ang nagsasabing baka natauhan na si Julia Barretto kaya ito na mismo ang nagreach out sa kanyang ama.


Dennis Padilla May Pakiusap Na Naman Kina Julia Barretto! Dennis Takot Bay Kay Marjorie?

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang comedian-actor na si Dennis Padilla na muling makasama at mayakap ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia Barretto, Julia Barretto at Leon Barretto.


Marami naman ang nagsasabi na baka malapit ng matupad ang kahilingan ni Dennis Padilla dahil sa pagsisiwalat rin nitong nakatanggap siya ng test message mula kay Julia Barretto noong kanyang kaarawan.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang ibinahaging post ni Dennis Padilla kung saan marami ang nagsasabi na kahilingan niya ito para sa kanyang mga anak.


Kahit wala umano siyang sabihin at kahit wala umano siyang marinig mula sa kanyang mga anak ay ayos basta muli lamang niyang mayakap ang mga ito.


Tila, labis nang nangungulila ngayon si Dennis Padilla sa kanyang mga anak na hanggang sa mga larawan na lamang niya nakikita at tanging mga alaala na lamang nila ang kanyang kasama.


Ayon sa pagbabahagi ni Dennis Padilla halos dalawang taon na rin niyang hindi nakakasama at nakikita sa personal ang kanyang mga anak kaya labis na siyang nangungulila sa mga ito.


Matatandaan na hindi naman naging malinaw sa lahat kung ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit tila tinakwil ng mga anak ni Marjorie Barretto si Dennis Padilla bilang ama ng mga ito.


Marami ang mga nagsasabi na may malaking parte rito si Marjorie dahil siya ang malapit sa kanyang mga anak at may responsibilidad para gabayan sana ang mga ito at payuhan na huwag magalit sa ama.


Gayunpaman, marami rin naman ang nagtatanggol kay Marjorie Barretto at sa mga anak nito sa kanilang pambabalewala kay Dennis Padilla dahil wala naman umano may alam sa kung ano talaga ang totoong pinagmulan ng galit ng mga anak sa aktor.


Kathryn Bernardo May Bagong Pag-Ibig! Dahilan Ng Mabilis Na Pagmo-Move on Ni Kathryn

Walang komento


 Naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa kamakailang episode ng kanyang showbiz oriented vlog ang patungkol sa aktres na si Kathryn Bernardo na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.


Ayon kay Cristy Fermin, may posibilidad na magtatagal sa Australia ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo dahil makikita naman umano sa mga dala nitong mga bagahe.


Nakarating umano kay Cristy Fermin ang napakaraming bagahe na dala si Kathryn noong nagpunta ito sa Australia para makapanood ng Eras Tour ng international singer-song writer na si Taylor Swift.


Maging ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo ay nangangamba rin na baka matagalan pa umano ang aktres na makabalik sa bansa. Hinala naman ni Cristy Fermin na bukod sa panonood ng concert ni Taylor Swift sa Australia ay may gagawin ring commercial roon si Kathryn.


Marami naman ang nagsasabi na wala namang mali kung sakaling magtagal pa si Kathryn Bernardo sa Australia dahil deserve rin naman nito ang magbakasyon at lumayo muna sa magulong mundo ng showbiz sa bansa.


Makakatulong rin umano para sa pagmomove on ni Kathryn Bernardo mula sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla ang pagpunta sa mga lugar na hindi pamilyar sa kanilang dalawa.


Nauna na rito, nagviral sa social media ang video ni Kathryn Bernardo habang nasa concert ni Taylor Swift. Makikita sa nasabing video ang pagsabay ni Kathryn Bernardo sa mga hit songs ni Taylor Swift.


Matatandaan na noong November 30, 2023 hayagang inamin ni Kathryn Bernardo ang kanilang paghihiwalay ni Daniel Padilla, wala namang binanggit na dahilan si Kathryn sa kung paano nila napagdesisyunan na maghiwalay na lamang at kung ano ang rason nito.


Iginiit naman ni Kathryn Bernardo sa kanyang pahayag na nag-umpisa sa respect ang kanilang relasyon at nagtapos rin umano ito sa respect.


May mga naghinala pa na baka roon makahanap ng panibagong pag-ibig si Kathryn Bernardo upang tuluyan na niyang makalimutan ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.




Mga Celebrities Na Nakuha Ang Pinangarap Nilang Maka-Relasyon at Mga Crushes Nila!

Walang komento


 Kilalanin ang mga celebrities na nakuha ang mga pinapangarap nilang makakarelasyon na naging ultimate crushes nila noon.


Maris Racal



Nagsimula ang lahat sa isang song collaboration, hindi naman akalain ng actress-singer na si Maris Racal na matupad ang kanyang pinapangarap na maging boyfriend si Rico Blanco ng Rivermaya. Subalit, bago malaman ng publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon, pinili muna ng dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon.


Aminado naman si Maris Racal na matagal na niyang crush si Rico Blanco kaya naman para sa kanyang dream come true ang kanilang relasyon, hindi rin alintana ni Maris ang malaking age gap nila ni Rico Blanco.


Andrea Brillantes



Maliit na bata pa lamang noon si Andrea Brillantes ay aminado na siyang malaki ang pagkakagusto niya sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla. Sa katunayan, sa kanyang mga panayam noon ay sinasabi niyang nais niyang magkaroon ng nobyo na katulad ng katangian ni Daniel Padilla.


Hayagan ding inamin noon ni Andrea Brillantes, na nais niyang makatrabaho noon si Daniel Padilla at hindi rin umano siya natatakot sa girlfriend nito noon na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lubos akalain ng mga netizens na totoong magkakaroon ng ugnayan ang dalawa, subalit nito lamang huling bahagi ng taong 2023 nadawit ang pangalan ng aktres sa nangyaring hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Si Andrea Brillantes kasi ang tinuturong dahilan ng nasabing hiwalayan dahil palihim umano itong nakikipagkita kay Daniel Padilla at nakikipag-sleep over sa bahay nito.


Maine Mendoza



Hanggang ngayon ay maraming naiinggit sa love story nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde hanggang ngayon. Nag-umpisa lamang ang kanilang story sa isang tweet ni Maine ng cutiey.


Hindi naman halos makapaniwala si Maine Mendoza na maging mister na niya ngayon ang matagal na niyang crush noon. Nagkasama sa iisang proyekto sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa pelikulang Jak en Popoy, kung saan ginampanan ni Arjo ang papel ng isang kontrabida.


Doon na nagsimula na magkalapit ang kanilang mga loob hanggang sa magkaroon na ng relasyon.


Dingdong Dantes at Marian Rivera



Nagsimula ang love story nilang dalawa sa set ng hit Kapuso teleserye na Marimar noong 2005. Sa kabila ng mga naglabasang mga kontrobersiya noon patungkol sa kanilang relasyon hindi ito naging hadlang para lalo silang maging magkalapit sa isat'isa.


Nasundan pa ang kanilang proyekto nang magsama naman sila sa teleseryeng Dyesebel kung saan kinilala sila bilang Brightest Star on TV. Makalipas ang ilang taon, nagpakasal ang dalawa at nabiyayaan naman ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.


Sa kanilang pagbabalik sa big screen, pinatunayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sila pa rin ang ultimate loveteam dahil napalitan na nila ang long time Highest Grossing Film ng Pilipinas na dating hawak ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Enrique Gil



Noon pa man ay naging bukas na si Enrique Gil sa publiko sa pagkakaroon niya ng crush kay Liza Soberano bago pa man sila maging magka-loveteam. Naging crush na umano ni Enrique Gil si Liza Soberano noong nagkasama sila sa iisang pelikula kasama sina Bea Alonzo at Dingdong Dantes.


Kaagad rin umanong napagbigyan ang kahilingan ni Enrique Gil na magkasama sila sa iisang project ni Liza Soberano, sa seryeng Forevermore. Kamakailan lamang ay ipinahayag ni Enrique Gil na maayos pa rin ang relasyon nila ni Liza Soberano sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't-isa.


Ryan Agoncillo



Taong 2001 nang magkakilala sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, hindi nila lubos akalain na sa kasalan mapupunta ang simpleng hi nila noon. Nagkasama sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa teleseryeng  Kristala kung saan naging mas matatag ang kanilang relasyon.


Sa ngayon ay happily married na ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak na sina Luna, Lucho, at Yuhan.


Matteo Guidicelli



Noon pa man ay hayagan nang inaamin ni Matteo Guidicelli na matindi ang kanyang paghanga sa singer-actress na si Sarah Geronimo. Matagal nilang itinago sa publiko ang kanilang relasyon dahil sa pagtutol ng mga magulang ni Sarah Geronimo.


Ang kanilang kasal noong February 2020 ay naging kontrobersyal rin dahil inilihim nila ito sa mga magulang ng singer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung nagkaayos na ba sina Sarah Geronimo at kanyang mga magulang.


Andrea Brillantes Kinilig Kay Rico Blanco Dream Come True Ayon Sa Aktres Tulad Ni Maris Racal Noon!

Walang komento

Lunes, Pebrero 26, 2024


 Marami sa mga netizens ang napapataas ang kilay matapos ibahagi ng kontrobersyal aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang kasiyahan ng makita in person ang hinahangaan niyang si Rico Blanco.


Hindi napigilan ni Andrea Brillantes ang kanyang sarili na ilabas ang pagiging ‘fangirl’ matapos niyang personal na makilala ang musician na si Rico Blanco sa isang event.


Sa kanyang Instagram story, nsgflex ang aktres na si Andrea Brillantes ng larawan together with Rico Blanco na kasalukuyang nobyo ng aktres na si Maris Racal.


Sa caption inilahad ni Andrea Brillantes ang kanyang kasiyahan, masaya pa rin umano siya kahit blurred ang pagkakakuha ng picture nilang dalawa.


Marami naman sa mga netizens ang nagtag kay Mariz Racal na kabahan na umano ito dahil kilala si Andrea Brillantes bilang mang-aagaw.


Matatandaan na si Andrea Brillantes ang tinuturong dahilan ng mga hiwalayan ng ilang mga celebrity couples, partikular na ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Bagama't hindi naman malinaw ang lahat at hindi pa rin naglalabas ng pahayag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa totoong naging dahilan ng kanilang paghihiwalay marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman rito si Andrea Brillantes.


Ayon sa mga kumakalat na mga bali-balita, palihim umano nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla habang may karelasyon pa sila. Noong mga panahaong iyon ay magkarelasyon pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang boyfriend naman ni Andrea Brillantes si Seth Fedelin.


Ito pa umano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Seth Fedelin at Andrea subalit hindi pa umano ito natatapos dahil habang karelasyon naman ni Andrea Brillantes si Ricci Rivero ay patuloy pa rin ang kanilang relasyon.




Aktor Tinaggihan Na Makasama Sa Proyekto Ang Aktres!

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang pagtanggi ng isang aktor na makasama ang sikat na aktres sa isang pelikula dahil sa pagiging controversial nito ngayon.


Tila kumpirmado nang hindi na matutuloy ang matagal nang pinagpaplanuhang comeback movie nina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz dahil sa biglaang pag-atra ng aktor sa walang malinaw na dahilan.


Sa isang episode ng Cristy Fermin, inilahad ng veteran showbiz columnist na talagang mahihirapan ng matuloy ang pinaplanung reunion project ng dating magkaloveteam na sina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz dahil hindi na interesado si Jhon Lloyd na gawin ito.


Matatandaan na naging household name ang mga karakter na ginampanan noon nina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz sa pelikulang One More Chance noong 2007 bilang Popoy at Basha.


Ang nasabing pelikula ay nasa direksyon ni Cathy Garcia Sampana para sa Star Cinema. Kumita naman ang nasabing pelikula ng mahigit 152.7 million pesos.


Ayon pa kay Cristy Fermin, tiyak na mabubulabog na naman ang mga netizens kapadg kumpirmahin na ni Jhon Lloyd Cruz na hindi na niya gagawin ang napipintong pelikula nila ni Bea Alonzo na matagal nang nakaplano at nakasulat para sa kanilang dalawa.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na karamihan sa mga pinagsamahang pelikula nina Jhon LLoyd Cruz at Bea Alonzo ay talagang kumita at pinilahan sa mga sinehan.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang naghinala na umiiwas lamang ngayon si Jhon Lloyd Cruz na madawit ang kanyang pangalan sa mga pinagdadaanang pambabatikos ni Bea Alonzo matapos ang hiwalayan ni Dominic Roque.


Matatandaan na marami ang naghinala na baka ay si Bea Alonzo talaga ang may problema kaya hindi ito nagkakatuluyan ng mga nakarelasyon. Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naudlot na movie nina Bea Alonzo at Alden Richards matapos ang pinagsamahan nilang Filipino adaptation ng isang hit Korean series.




Ria Atayde Binuntis Ni Zanjoe Marudo! Sylvia Sanchez Naglabas Ng Saloobin

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa pagiging engaged ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Bagama't marami ang nasiyahan sa pagiging engaged ng dalawa matapos ang mahigit isang taon na relasyon hindi pa rin maiiwasan na may ilang mga netizens na magbibigay kulay sa mga nangyayari.


May mga naglabasang mga balitan na kaya nagpropose si Zanjoe Marudo kay Ria Atayde ay dahil nagdadalang tao na umano ang aktres.


Nag-ugat ang mga haka-hakang ito nang may lumabas na blind item na pinaghihinalaang si Ria Atayde ang tinutukoy. Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nitng February 22, napag-usapan nina Ogie Diaz ang patungkol sa blind item na ito.


Ayon kay Ogie Diaz, may mga naglabasang blind item patungkol sa isang aktres na nabuntis ng aktor. Ang aktres umanong ito ay may kapatid na lalaking aktor at ang kanilang ina ay isang aktres.


Inilahad naman ni Mama Loi na marami sa mga netizens ang nagtuturo kay Ria Atayde bilang tinutukoy sa nasabing blind item dahil sa biglaan nilang announcement ng kanilang engagement.


Bukod pa rito, ang ina ni Ria Atayde ay si Sylvia Sanchez na isang aktres habang kapatid naman niya si Arjo Atayde na isa ring aktor. Marami naman ang naghinalang may katuturan naman ang mga hinala ng mga netizens sa nangyayari.


May mga nagsasabi naman na hintayin na lamang ang pag-amin ng dalawa kung sakali mang totoong nagbubuntis na si Ria Atayde dahil nasa tamang edad na rin naman ito.


Samantala, iginiit naman ni Ogie Diaz na kung totoong buntis man si Ria Atayde ay hindi umano nararapat na sila ang mag-aannounce. Mas nararapat umano na ang dalawa ang mag-announce kung sakaling totoong buntis na ang aktres.


Matatandaan, na inanunsyo ni Ria Atayde ang kanilang engagement ni Zanjoe Marudo sa pamamagitan ng isang social media post noong February 23, 2024. Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa dalawa.


Maging ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez ay ipinahayag rin ang kanyang tuwa sa pagkaka-engage ng kanyang anak kay Zanjoe Marudo.


Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime

Walang komento


 Hindi inaasahan ng It's Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It's Showtime matapos ang kanyang spiel.


Nitong February 26, 2024, isang araw bago ang 10th wedding anniversary nila ng kanyang mister na si Yael Yuzon, labis na nasurpresa si Karylle sa biglaang paglabas nito at pagpopropose sa kanya.


Hindi inaasahan ni Karylle na muling magpo-propose sa kanya ang kanyang mister na si Yael Yuzon para sa kanilang renewal of vows sa pag-uumpisa ng episode ng It's Showtime.


Bago naganap ang proposal, binabati ng It's Showtime family si Karylle para sa kanyang matagumpay ng Ballet Musical show niya na Rama Hari kung saan gumanap siya bilang si Sita. Matapos ang batian biglang lumabas si Yael at ginawa na ang hinandang surpresa si Karylle.


Ayon naman kay Yael Yuzon, hindi umano sanay si Karylle na sinusurpresa ng ganoon dahil gusto ng actress na nakaplano at alam niya itong lahat.


Aminado naman si Yael na hindi naging smooth ang pagsasama nila ni Karylle sa loob ng 10 years, nagkaroon din umano sila ng mga ups and downs. Mas special na rin umano sa pagkakataong ito dahil mayroon na silang 10 years.


Marami naman sa mga madlang pipol ang kinilig sa stunt na ginawa ni Yael Yuzon sa muling pagpopropose niya sa kanyang asawa na si Karylle. Kaagad ring bumuhos sa social media ang mensahe ng pagbati para sa kanilang dalawa.


@abscbnpr Congrats #Karylle and #Yael! Happy 10 years! Sinopresa nga ni Yael ang asawa sa #ItsShowtime nang magpropose ito sa kanya muli. #proposal #anniversary #showtime #kapamilya #husbandwife #kapamilyaforever #fyp #foryou #foryoupage #surprise #abscbn ♬ original sound - ABS-CBN PR
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo