John Lloyd Cruz Tinanggihan Na Ang Reunion Movie Sana Nila Ni Bea Alonzo Ayaw Madamay Sa Isyu?

Walang komento

Biyernes, Pebrero 23, 2024


 Usapan-usapan ngayon ang umano'y pagtanggi ni Jhon Lloyd Cruz sa reunion movie nila ni Bea Alonzo marami ang naghinala na baka na-disappoint umano si Jhon Lloyd Cruz sa mga kinakaharap na isyu ni Bea Alonzo matapos ang biglaang hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Mukhang hindi na umano matutuloy ang reunion project na matagal nang pinagpaplanuhang gawin ng magkaibigan at dating magka-loveteam na sina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz dahil bigla na lamang umano itong tinanggihan ng aktor.


Sa kamakailang episode ng showbiz vlog nina Manay Cristy Fermin, inilahad niya ang balita na mismong si Jhon Lloyd Cruz umano ang unang tumanggi sa nasabing project. Gayunpaman, hindi naman sinabi ni Cristy Fermin kung ano ang dahilan ni Jhon Lloyd Cruz sa pagtanggi niya sa project na matagal nang itinakda sa kanila ni Bea Alonzo.


Subalit, ayon sa mga nakakausap ni Cristy Fermin na ang isa sa mga dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip ni Jhon Lloyd Cruz ay dahil sa mga nasasangkutang isyu ngayon ni Bea Alonzo dahil sa break up nila ni Dominic Roque.


Bukod sa pag-iwas umano ni Jhon Lloyd Cruz na madamay sa isyung kinasasangkutan ni Bea Alonzo, maari rin namang binibigyan muna ng pagkakataon ni Jhon Lloyd Cruz si Bea Alonzo magkaroon ng oras sa sarili at makapag-move on sa nangyaring hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Bagama't ipinapakita ni Bea Alonzo na ok na siya sa nangyaring hiwalayan nila ni Dominic Roque, marami pa rin ang nakakaalam na hindi pa talaga maayos ang aktres dahil hindi naman biro ang pinagdaanan nila ni Dominic Roque.


Kaya naman mas mainabuti na lamang umano ni Jhon LLoyd Cruz na magmula sa kanya ang pagtanggi. Ayon pa sa ilang mga showbiz sources na pinili umano ni Jhon Lloyd Cruz na patahimikin muna ang mga isyu ngayon lalo na kay Bea Alonzo na nakakatanggap rin ng pambabatikos dahil sa kanyang mga failed relationships.


Samantala, may ilan naman sa mga netizens ang nagsasabi na tila nagpi-play safe umano si Jhon Lloyd Cruz at takot lamang ito na masangkot sa isang kontrobersiya.




Anak Ni Vhong Navarro Na Si Yce Navarro Nilait Ang Itsura

Walang komento


 Tila hindi nakaligtas ang anak ng actor, TV host, dancer Vhong Navarro sa mga mapanghusgang mata ng mga netizens dahil sa looks nito.


Hindi nakaligtas sa mga pangmamata at pang-ookray ng mga netizens ang anak ni Vhong Navarro na si Yce Navarro matapos ianunsyo na makakasama siya sa inaabangang teleserye sa ABS-CBN na FPJ's Ang Barang Quiapo.


Bagama't nakakakuha naman ito ng mga tagahanga si Yce Navarro, tila mas marami naman itong mga bashers dahil sa hitsura nito.


Ayon sa mga netizens, kamukha umano ito ni Vhong Navarro at hindi umano ito mukhang artista.


Sa kabilang banda, very proud naman si Vhong Navarro sa panibagong journey ng kanyang anak at sa pagkakasama nito sa isang teleserye na pinag-uusapan ngayon.


Nagpapasalamat naman si Vhong Navarro sa aktor-direktor na si Coco Martin sa pagtitiwala sa kanyang anak na si Yce at sa pagbibigay nito ng opportunity. Inilahad rin ni   Vhong Navarro na malaking karangalan para sa kanya na napabilang sa masasabing pinakamalaking teleserye ng bansa ang kanyang anak.


Ipinahayag pa ni Vhong Navarro na talagang aabangan niya ang teleserye kung saan makakasama ang kanyang anak.


Sa kabilang banda, malaki naman ang pasasalamat ni Yce Navarro sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment. Sa kanyang Instagram stories ini-repost niya ang kanyang banner photo sa Batang Quiapo sa caption inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa pagbibigay ng opportunity at pagtitiwala sa kanya.


Samantala, hindi pa man inilalabas ang mga eksena ni Yce Navarro sa Batang Quiapo, nakakatanggap na siya ng pambabatikos at panlalait mula sa mga netizens. Hindi lamang ang mukha ni Yce Navarro ang binanatan ng mga netizens kundi maging ang pangangatawan nito.


Ayon sa ilang mga netizens, napaka-chararat ng mukha nito at hindi umano nito nakuha ang angking kagwapuhan ni Vhong Navarro. May mga nagsasabi pa na mas mukhang bata si Vhong Navarro kaysa sa kanyang anak.


Iginiit pa ng ilang mga netizens na dapat bago pumasok sa showbiz itong si Yce ay inalagaan muna nito ang kanyang katawan. Ipinunto pa nila na isa sa mga requirement ng pagiging artista ay physically pleasing.


Mukha rin umano itong extra lamang at madali lamang makalimutan at hindi umano nito deserve na maging artista.



Mariel Rodriguez Pinutakti Ng Bashing Dahil Sa Ginawa Niya Sa Opisina Ng Senado!

Walang komento


 Umaani ng samu-t-saring reaksyon ang isang social media post ng actress-host na si Mariel Rodriguez kung saan nagbahagi siya ng larawan na kuha sa loob ng opisina ng kanyang mister na si Robin Padilla sa Senado.


Binabatikos ngayon si Mariel Rodriguez dahil sa ginawa nitong pagpapa-gluta drip sa loob ng opisina ni Robin Padilla sa senado. Komento naman ng ilang mga netizens na hindi na umano ginalang ni Mariel Roidriguez ang opisina ng kanyang mister at talagang proud pa ito sa kanyang ginawa.


Sa ngayon ay burado na rin naman ang social media post ni Mariel Rodriguez kung saan makikita ang kanyang gluta drip session sa loob ng opisina ni Senator Robin Padilla.


Subalit, tila huli na rin naman ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng screenshot nito at kumakalat na ito sa iba't-ibang mga social media platforms.


Ayon naman sa caption ni Mariel Rodriguez sa nasabing photo, may schedule umano siya para sa kanyang gluta drip subalit wala na umano siyang oras at mali-late na siya kaya naman doon na lamang niya ipinagawa sa opisina ng kanyang mister.


"Drip anywhere is our motto! hehehe I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband's office hehe I never miss a drip because it really helps in soo many ways collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and soo much more!! So convenient ang really effective."


Hindi naman ito nagustuhan maging ng mga tagahanga ni Mariel Rodriguez dahil tila ginawa umano ni Mariel Rodriguez na clinic ang opisina ng Senado. May mga nagsasabi pa na nawalan na umano ng delikadeza si Mariel Rodriguez at ginagawa na lamang nito ang gusto.


Wala na rin umano sa lugar ang kaartehan nito at talang ipinalandakan pa niya ang kanyang mga ginagawa kahit hindi na ito tama. Iginiit pa nila na nararapat lamang na humingi ng public apology si Mariel Rodriguez at hindi umano sapat ang kanyang ginawa na pagbubura ng post dahil marami na rin ang nakakuha ng mga screenshots.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng anumang reaksyon at pahayag si Mariel Rodriguez sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens kung saan nadamay na rin ang kanyang mister na si Daniel Padilla.




Richard Gutierrez Planong Kasuhan Si Sarah Lahbati Para Makuha Ang Mga Anak!

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil sa umano'y plano ni Richard Gutierrez na pagsasampa ng kaso kay Sarah Lahbati para sa makuha ang full custody ng kanilang mga anak.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa ginawang legal action ni Richard Gutierrez laban sa kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati.


Sa kamakilang episode ng Showbiz Now Na nina Manay Cristy Fermin, napag-usapan nila ang nakarating na balita sa kanila patungkol sa plano ni Richard Gutierrez na ilaban sa korte ang full custody ng kanilang mga anak ni Sarah Lahbati na sina Zion at Kai.


Ayon kay Cristy Fermin, nakarating sa kanila ang balitang matutuloy na ang pagsasampa ni Richard Gutierrez ng kaso kay Sarah Lahbati para makuha na niya ang full custody ng kanilang mga anak.


Isiniwalat din ni Cristy Fermin na tila matatagalan pa ang annulment nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil may kumukuntra umano rito sa panig ng aktor.


Ayon pa kay Cristy Fermin, mas maganda na rin umano kung makukuha ni Richard Gutierrez ang mga bata kay Sarah Lahbati dahil sa tingin niya hindi umano nabibigyan ng saktong atensyon ni Sarah Lahbati ang mga bata.


Pagdidiin pa ni Cristy Fermin na may karapatan naman si Richard Gutierrez na magsampa ng kaso sa korte kung sa tingin niya ay mayroong pagkukulang ang kanyang ex-wife sa pagbibigay ng atensyon at pag-aalaga sa kanyang mga anak.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noong huling bahagi ng taong 2023 ang hiwalayan  nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang mapansin ng mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng mga larawan na magkasama, maging sa mga special na mga okasyon.


Tila nakumpirma naman ito ng hayagang nagbigay ng pahayag si Annabelle Rama sa isang panayam kung saan inilahad niyang sa kanya na umuuwi ang kanyang anak na si Richard Gutierrez at kung gaano ka waldasera si Sarah Lahbati.


Samantala, hannggang ngayon ay hindi pa rin naman nililinaw nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez kung ano ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay subalit tila seryoso ito dahil hindi na umano nag-uusap ang dalawa at idinadaan na lamang sa kani-kanilang mga abogado ang pag-uusap sa mga mahalagang detalye lalong-lalo na patungkol sa kanilang annulment.




Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli Relasyon Nagkakalabuan Na?

Walang komento


 Kumakalat naman ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.


Nag-ugat ang hinalang ito nang mapansin ng kanilang mga tagahanga na hindi man lang nagpost si Sarah Geronimo ng pagbati para sa kanyang asawa na si Matteo Guidicelli nitong nakaraang wedding anniversary nila noong February 20, 2024.


Sa kabilang banda, binati naman ni Matteo Guidicelli ang kanyang misis na si Sarah Geronimo sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi niya ang mga larawan nila ni Sarah Geronimo kalakip ang kanyang anniversary message para rito.


"Happy 4th year wedding anniversary my love!


4 years of “WOW!” Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained. Looking forward to many many more years, forever. I love you. Thank you for being you," mensahe ni Matteo Guidicelli para sa kanyang asawa.


Sa kabilang banda, may mga fans naman ni Sarah Geronimo ang nagsasabing, hindi naman kataka-taka na hindi nagbigay ng mensahe si Sarah Geronimo para sa wedding anniversary nila ng aktor dahil noon paman ay hindi ito nagbabahagi ng mensahe.


Gayunpaman, hindi ito pinalampas ng kanyang mga bashers dahil tila dinidedma lamang umano ni Sarah Geronimo ang kanyang mister at wala itong pakialam sa isa sa importanteng petsa para sa kanilang mag-asawa.


Lumalabas rin umano na hindi pinapahalagahan ni Sarah Geronimo ang kanyang mister. Naniniwala rin ang ilang mga netizens na nakakapagbigay rin ng saya para sa mga partner sa tuwing naipi-flex sila sa social media lalo na sa mga katulad nilang mga public figure.


May ilan pang mga netizens ang nagsasabi na tila nagsisisi si Sarah Geronimo sa pagpapakasal kay Matteo Guidicelli dahil ito ang dahilan ng pag-aaway nila ng kanyang mga magulang.


Sa kabilang banda, marami pa rin ang mga nagtatanggol kay Sarah Geronimo kung saan ipinupunto nila na hindi showy ang singer at hindi ito masyadong open sa pagbabahagi sa kanyang mga nararamdaman sa kanyang mga social media account.


Ipinunto pa ng ilang na napatunayan na nito ang kanyang pagmamahal kay Matteo Guidicelli nang ipaglaban niya ito sa kanyang mga magulang at sa pagpapakasal rito sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ina.



Finally! Magaling Na Aktor Magbabalik Na Muli!

Walang komento

Huwebes, Pebrero 22, 2024


 Balik trabaho na ang veteran actor na si Richard Gutierrez matapos ang ilang buwang pamamahinga matapos magwakas ang pinagbibidahan niyang teleserye na The Iron Heart.


Marami sa mga netizens ang natutuwa nang magbahagi ang aktor na si Richard Gutierrez ng mga larawan kung saan kasama niya ang mga big boss ng ABS-CBN at Star Magic na sina Cory Vidanes at Lauren T. Dyogi.


Ipinahayag pa ni Richard Gutierrez na ito umano ang kanyang new beginning at fresh start. Ipinahayag din ni Richard Gutierrez kung gaano siya ka-excited na simulan ang panibagong journey kasama parin ang kanyang ABS-CBN Family.


Nagpapasalamat din si Richard Gutierrez sa opportunity na ibinigay sa kanya ng nasabing network. Excited na rin umano siyang makipagtrabaho sa mga ito kasama ang iba pang mga artista.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nanahimik si Richard Gutierrez sa mga katanungan ng mga netizens patungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati.


Sa kabilang banda, natutuwa naman ngayon ang mga solid fans ng aktor sa pahiwatig niyang magkakaroon muli siya ng project. Isa sa mga nagbigay ng mensahe kay Richard Gutierrez ay ang kanyang kakambal na si Raymond Gutierrez.


Ipinahayag nito kung gaano siya kasaya para sa kanyang kakambal sa panibaging concept nito.


Samantala naroon din si Raymond Gutierrez nang maganap ang nasabing meeting kung saan nagpresenta umano ng tatlong concept ang mga taga-ABS-CBN kay Richard Gutierrez.


May mga nag-iisip naman na baka ay kasama si Mond Gutierrez sa creative ng bagong show ni Richard subalit kaagad itong pinabulaanan ni Raymond at sinabing pinasama lamang siya roon ni Richard dahil nais nitong humingi ng payo sa kanya sa kung ano ang pipiliin sa tatlong concepts.


Ayon sa pagsisiwalat ni Raymond, napakaganda ng napili nilang concept para kay Richard Guiterrez.


Malaki naman ang pasasalamat ni Richard Gutierrez sa suportang ibinibigay sa kanya ni Raymond Gutierrez at sa pagtulong nito sa kanya para makapili ng magandang concept para sa susunod na show.


Sa pagkakaroon ng panibagong show ni Richard Gutierrez, marami ang nag-aabang ngayon kung sino naman kaya ang kanyang makakasama at kung sino ang magiging leading leading lady nito.


Dominic Roque Bilang Sweet Na Anak Kay Judy Ann Santos Agoncillo !

Walang komento


 Matapos pumutok ang mga balibalitang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo, marami sa mga netizens ang naku-curious sa totoong pagkatao ni Dominic Roque at kung ano-ano ang mga pinagkakaabalahan nito.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang actor-model na si Dominic Roque matapos ang biglaang paghihiwalay nila ng kanyang fiance na si Bea Alonzo. Tila naging interesado na ngayon kay Dominic Roque ang mga netizens kaya naman nagkakaroon ng maraming guesting si Dominic Roque.


Sa kabila ng paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo, tila bumubuhos naman ngayon ang biyaya para sa aktor. Isa na rito ay ang pagkakapili niya bilang panibagong ambassador ng Syduction International.


Si Dominic Roque rin ang kinuhang celebrity ni Congressman Pia Cabral ng Taytay Rizal, kung saan pinagkaguluhan pa ng maraming tao si Dominic Roque.


Samantala, masaya naman ibinahagi ni Judy Ann Santos ang pagbibigay sa kanya ng bouquet of flower ni Dominic Roque na tinuturing na niya bilang isang anak.


Nagpasalamat naman si Judy Ann Santos kay Dominic Roque at tinawag pa niya itong sweet anak. Nakasama rin noon sa Rivermaya concert ng pamilya ni Judy Ann Santos si Dominic Roque sa panonood.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ipinapakita lamang umano nina Judy Ann Santos kung gaano nila kamahal si Dominic Roque kaya kasama sila nito sa mga panahon na kailangan na kailangan ni Dominic ng taong makakasama.


Hinala naman ng ilang mga netizens na nakakatulong sa pagmomove on ni Dominic Roque ang kanyang paglabas-labas kasama ang kanyang mga kaibigan.


Matatandaan na labis na ikinagulat ng mga netizens at mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang paghihiwalay dahil inakala ng lahat na mauuwi na sila sa kasalan matapos ang pagkakaengage noong nakaraang July.


Sa katunayan ay labis pang ikinasaya ng kanilang mga tagahanga nang nagsiwalat si Dominic ng ilang mga detalye patungkol sa kasal nila ni Bea Alonzo subalit tila hindi ito ikinatuwa ni Bea Alonzo at pinagmulan pa ng kanilang hindi pagkakaunawaan na nauwi sa hiwalayan.



Daniel Padilla May Bagong Love Team!

Walang komento


 Tila nakahanap na ang mga netizens ng panibagong ka-loveteam para sa aktor na si Daniel Padilla ngayong naghiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.


Bagama't nasa iisang network at talent agency sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayong pareho silang nagrenew ng kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN, siniguro umano ni Kathryn Bernardo na hindi na muli sila magkakasama ni Daniel Padilla sa kahit anong proyekto.


Dahil dito, marami sa mga solid fans ni Daniel Padilla ang naghahanap ng aktres na makakapantay umano sa angking karisma ni Daniel Padilla.


Isa sa mga napupusuan ng mga netizens na maaring maging panibagong ka-loveteam ni Daniel Padilla ay walang iba kundi ang anak nina Aga Muhlach at Sharlene Gonzales na si Atasha Muhlach.


Marami sa mga netizens at mga tagahanga ni Daniel Padilla ang nagsasabing nababagay ang dalawa dahil sa angking ganda ni Atasha at fresh pa umano ito sa larangan. Marami ang naghihintay sa ipapakita ni Atasha Muhlach sa larangan ng pag-arte.


Matatandaan na sa isang panayam noon kay Atasha Muhlach inamin niyang gusto niyang makapasok sa industriya ng pag-arte at sundan ang mga yapak ng kanyang mga magulang. Nais rin umano niyang gampamana ang iconic role ni Dyesebel na ginampanan na rin umano noon ng kanyang ina.


Marami naman sa mga netizens ang nagpupush sa maaring tambalan ng dalawa, sa katunayan ay gumagawa na ngayon ng fan pages ang ilang mga tagahanga nilang dalawa.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng anumang pahayag ang ABS-CBN o sina Daniel Padilla at Atasha Muhlach patungkol sa mga kumakalat ngayon balitang magiging magka-loveteam silang dalawa.


Matatandaan na hindi pa naman nabibigyan ng kahit anung acting stint si Atasha Muhlach magmula nang aminin niyang nais niyang pasukin ang larangan ng pag-arte. Sa ngayon ay mapapanood si Atasha Muhlach sa noontime show na Eat Bulaga na umiere sa TV5.




Trending! Kapamilya Aktres Palaban Sa Aktingan!

Walang komento


 Nakatanggap ng papuri ang isang Kapamilya actress mula sa mga netizens dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, ayon sa ilang mga netizens, maaring ito umano ang papalit kay Kathryn Bernardo lalo na ngayong wala nang ka-loveteam ang aktres.


Umani ng papuri ang Kapamilya actress na si Belle Mariano mula sa mga netizens matapos magpakita ng galing sa episode ng Netflix series na Can't Buy Me Love.


Sa kamakailang episode ng Can't Buy Me Love, nalaman na ng karakter ni Belle Mariano ang totoong dahilan ng pagkawala ng kanyang ina. Ayon sa mga naikwento sa kanya may kinalamanan rito ang kanyang step mother na si Cindy na ginagampanan naman ni Agot Isidro.


Nauwi sa sagutan ang masayang breakfast ng Chu Family nang sumugod si Ling ang bunsong Chu. Isang matapang na Belle Mariano ang napanood ng mga netizens sa naganap na confrontation scene.


Masaya naman ang mga fans ngayon ng aktres na napapakita na ni Belle Mariano ang kanyang kakaibang side kung saan nasasabayan na umano nito ang mga dekalibreng mga kontrabida.


Marami ang nagsasabi na alagang malayo pa ang mararating ni Belle Mariano sa kanyang showbiz career lalo na't hindi umano maitatanggi na isa ang aktres sa may magagandang mukha sa larangan ng showbiz.


Marami naman ang nagkukumpara ngayon sa mga achievement ni Belle Mariano at Kathryn Bernardo lalo na't nasasangkot ngayon sa kontrbersiya ang aktres.


Subalit kaagad namang umalma ang mga fans ng aktres dahil pareho namang magagaling ang dalawa at nasa iisa rin silang estasyon kaya wala na umanong dahilan para pagkumparahin pa ang mga ito.


@onlyforbondelle_ NAPAKAHUSAY NA AKTRES TALAGA NG BELINDA NAMIN, GOOSEBUMPS!! THIS IS BELLE MARIANO EVERYONE 😭❤‍🔥 | mahirap kalaban ang pinagkaitan ng hustisya at mawalan ng ina. Divine, ang anak muna ang bahala. GO PREACH IT, CAROLINE!! SHE'S ALWAYS MAKE THEM REMEMBER 💅😌 #cantbuymelove #carolinetiu #bingomariano #donbelle #bellemariano #donnypangilinan #bestactress #CBMLonNetflixEp92 #CBML #bellehitsdifferent #belindaangelitomariano #donbellempire #fypã‚· #fyp #tagsen #maxpein ♬ Kriminal - O.C. Dawgs

Darla Sauler, Nakatanggap Ng Backlash Dahil Sa Pagpost Ng Litrato Na Kasama Si Toni Gonzaga

Walang komento


Nakakatangggap ngayon ng pambabatikos si Darla Sauler matapos magbahagi ng larawan kung saan katabi niya ang actress, TV-host, vlogger na si Toni Gonzaga.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng litrato si Darla Sauler sa kanyang Instagram account kung saan makikitang magkatabi silang nakaupo ni Toni Gonzaga.


Isinulat naman ni Darla sa caption ng kanyang post kung saan kinuha ang nasabing larawang. Inimbitahan din niya ang kanyang mga followers na manood sa full video ng pag-uusap nila ni Toni Gonzaga.


Nag-upload ng panibagong vlog si Darla Sauler sa kanyang YouTube channel noong February 20, 2024 kung saan ininterview niya si Toni Gonzaga para na rin sa panibagong movie nito na My Sassy Girl.


Napag-usapan din nila sa nasabing vlog ang mga lesson learned, forgiveness, at peace.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens, may mga naiinis sa pag-interview ni Darla kay Toni Gonzaga at sa pagpi-flex nito ng larawan nila sa kanyang social media account.


Ipinunto pa ng ilang netizen ang pagkakamali ng Kapamilya writer dahil tila kinalimutan na umano nito ang mga ginawa ni Toni Gonzaga noon.


Bukod sa Toni Talks From The Heart vlog ni Darla Sauler, nagbahagi pa siya ng isa pang vlog kung saan ni-raid naman niya ang mga bag collections ni Toni Gonzaga.


Marami ang naghinala na baka paraan umano ito para sa pagbabalik ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN. 


Matatandaan na nauna nang naibalita noon na nagbabalak si Toni Gonzaga na makabalik sa ABS-CBN subalit tinutulan ito ng mga solid Kapamilya fans. Para sa kanila hindi na nararapat na tawagin bilang Kapamilya si Toni Gonzaga matapos nitong suportahan ang mga taong naging dahilan kung bakit nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.


Matatandaan na nagresign si Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother Season 10, matapos makatanggap ng matinding pambabatikos nang mag-host siya sa proclamation rally ng partidong naging dahilan ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.



Kim Chiu Binati Si Paulo Avelino Sa It's Showtime! Kim Sinabihan Si Paulo Na Kumain on National Tv

Walang komento


 Marami sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kinilig dahil sa naging pahayag ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime.


Sa pagsisimula pa lamang ng kamakailang episode ng It's Showtime, tampok na ng kanilang asaran si Kim Chiu. Ayon sa opening spiel ni Vhong Navarro, tinanong nito ang mga madlang pipol at kasamahang hosts kung naitanong na ba nila sa kanilang mga special someone kung kumain na ba sila.


Hindi na tinapos ni Vhong Navarro ang kanyang spiel at ipinasa niya ito kay Kim Chiu. Mahina namang sinabi ni Kim Chiu ang, 'Hi Kain ka na.'


Kaagad namang nag-react ang It's Showtime family sa mga sinabi ni Kim Chiu kung saan tila kinikilig sila, maging ang It's Showtime director ay nilagyan pa ng mga heart emojis ang paligid ni Kim Chiu.


Hindi rin napigilan ni Jugs, ang tanungin kung sino ang sinasabihan ni Kim Chiu na kumain na. Hindi na ito sinagot ni Kim Chiu at ibinaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng kanyang spiel upang matigil na ang panunukso sa kanya ng kanyang mga kasamahan.


Marami naman sa mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kinilig dahil tila nagkakamabutihan na umano ang dalawa, bagama't wala namang sinasabi si Kim Chiu sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang mensahe.


Sa ngayon ay marami ang umaasa na magkakaroon ng relasyon sina Paulo Avelino at Kim Chiu lalo na't tila kumpirmado na ang hiwalayan ng aktor kay Janine Gutierrez.


Naniniwala naman ang marami na walang magiging masaya kung magiging totohanan ang kanilang relasyon dahil pareho na umano silang single sa ngayon.


@random.videos4862 "it's showtime"#kimpau #fyp ♬ original sound - Random videos

Ang Katotohanan Sa Heart Failure Na Pwedeng Mangyari Kay Kris Ibinunyag

Walang komento


 Kamakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino ang kanyang totoong kalagayan habang patuloy pa ring nagpapagamot sa kanyang mga karamdaman sa Amerika.


Nitong February 14, 2024 sa mismong kaarawan, ibinahagi ni Kris Aquino sa publiko ang totoong nangyayari sa kanyang katawan ngayon at ang posibilidad na mangyayari sa kanya sakaling hindi gumana ng maayos ang panibagong gamot na susubukan sa kanya. 


Kabilang sa mga isiniwalat ni Kris Aquino ay ang posibilidad na anumang oras ay maari siyang atakehin sa puso. Inamin rin niya na dahil sa kanyang mga autoimmune diseases ay may tama na rin ang kanyang puso kung saan hindi na umano normal ang tibok nito.


Kahit na sa pagbabanyo ay nahihirapan na rin umano siya. Bukod pa rito, maaring anumang oras, kahit sa kanyang pagtulog ay bigla na lamang hihinto sa pagtibok ang kanyang puso.


Samantala, may isang netizen naman na nagkomento na mayroong kaparehong sitwasyon kay Kris Aquino. Pinaalalahanan niya si Kris na huwag mag-alala at malungkot. Huwag rin sanang isipin ni Kris Aquino na ito na ang kanyang huling kaarawan.


"Same here, cardiomegaly due to myopathy. And I just had a congestive heart failure na akala ko katapusan ko na pero di pa. Bawal mag-alala at malungkot sa atin. Wag mo muna isipin if last bday whatsoever."


Payo pa ng netizen na mas maiging i-spend ni Kris Aquino ang bawat araw ng kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya. Nagbiro pa ito na baka mayroon pa silang purpose sa mundo kaya hindi pa sila sinusundo.


"Just spend each day with family God-centered. May purpose pa ta yo kaya di pa tayo sinusundo. I share my prayers to you and your friends who are also having their personal health battles. Don't give up, we look up to you."


Ilan pa sa mga fans ni Kris Aquino ang nagbigay ng friendly advice kay Kris Aquino kung saan pinayuhan siyang magkaroon ng sariling dietician upang makatulong sa kanyang food intake lalo na sa sitwasyon ni Kris Aquino na maraming mga allergies.


Patuloy namang ipinagdadasal ng mga netizens ang tuluyang paggaling ni Kris Aquino upang magkaroon pa ito ng mahabang oras kasama ang kanyang mga anak at taong nagmamahal sa kanya.




Carlo Aquino Masayang Inamin Pakakasalan Na Si Charlie Dizon!

Walang komento


 Pinakilig ng aktor na si Carlo Aquino ang mga fans nila ng kanyang girlfriend na si Charlie Dizon matapos aminin ni Carlo Aquino sa kanyang kamakailang interview na sa tingin niya ay si Charlie Dizon na ang The One para sa kanya.


Ito na rin umano ang babae na nakikita niyang makakasama sa habang buhay at handa niyang pakasalan at iharap sa altar.


Kamakailan lamang ay nakorner ng mga press people si Carlo Aquino sa isang event ng skin care product na iniendorso nito subalit kadalasan sa mga katanungan na ibinabato kay Carlo Aquino ay wala namang kinalaman sa produkto.


Kabilang sa mga naitanong kay Carlo Aquino ay kung engage na nga ba sila ni Charlie Dizon dahil kamakailan lamang ay naiulat na mayroon na umanong suot-suot na singsing si Charlie Dizon na pinaghihinalaang engagement ring na mula kay Carlo Aquino.


Hindi man ito iinamin ni Carlo Aquino, inihayag naman niyang handa na siyang magpakasal ngayon dahil nasa tamang edad na rin naman siya para magkaroon ng sariling pamilya. 


Ipinahayag rin ni Carlo Aquino na iba na umano ang pananaw niya sa buhay ngayon, masaya naman umano sila sa ngayon ni Charlie Dizon.


"Masaya kami ni Charlie, nandoon ako. Pero wag ka masyadong excited kasi hindi yun, yung buhay. May biglang manggugulat sayo diyan."


Dagdag pa niya, "Never kang magiging handa sa mga sakit sa buhay mo. Kailangan mo ng kakampi, friend, partner, family."


Inamin naman ni Carlo Aquino na nakakaroon pa rin sila ng pag-aaway ni Charlie subalit napag-uusapan naman umano ito nila ng maayos.


Inilalarawan pa ni Carlo Aquino si Charlie Dizon bilang isang palaban na babae pero sa tamang paraan. Sa tuwing nakakasama umano niya ito ay ang gaan umano ng kanyang buhay at napakasarap tumawa.


Sa tuwing magkakaroon umano sila ng problema at hindi pagkakaunawaan ay kaagad umano nila itong pinag-uusapan.


Sa kabilang banda, ipinagtatanggol naman ni Charlie Dizon si Carlo Aquino laban sa mga bumabatikos rito. Marami kasi ang nagsasabi na problematic karelasyon si Carlo Aquino at isa itong babaero.


Ayon kay Charlie Dizon, hindi umano siya nagpapaapekto sa mga negatibong komento na nakakarating sa kanya patungkol kay Carlo Aquino. Masaya naman umano sila kaya hindi na umano niya iisipin pa ang iba.


Dagdag pa ni Charlie Dizon, napag-uusapan na umano nila ni Carlo ang patungkol sa kanilang future na magkasama. Magkakaroon umano sila ng pamilya at mga anak.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang duda sa sinasabi ni Carlo Aquino na the one na niya si Charlie Dizon dahil sinabi na rin niya ito noong si Trina Candaza pa ang kanyang karelasyon kung saan sinabi rin niyang nagpaplano na sila noon na magpakasal.



Ang Bagong Marimar?! Reaksyon Ng Mga Netizens Sa Pagganap Ni Herlene Budol Bilang Bagong Marimar!

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang Kapuso actress na si Herlene Nicole Budol matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ang isang video kung saan nakasuot siya ng Marimar costume habang sinasayaw niya ang legendary dance ni Marimar.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, marami ang na-excite sa muling pagbabalik ng serye kung saan si Herlene na ang gaganap. May mga nagsasabi naman na bagay naman kay Herlene Budol ang nasabing role.


Matatandaan na naging iconic ang karakter ni Marimar nang gampanan ito ni Marian Rivera na naging dahilan kung bakit nahirang ang aktres bilang Kapuso Primetime Queen.


May mga natatanong naman kung kumpirmado na ba ang balitang ito at gagampanan nga ni Herlene Budol ang nasabing karakter.


Ngayon pa lamang ay excited na ang mga tagahanga ni Herlene Budol sa posibilidad na gagampanan ni Herlene Budol ang pagiging Marimar dahil nababagay naman umano ito sa aktres dahil marunong rin itong sumayaw at mahal na mahal rin nito ang kanyang mga lolo at lola na katangian ni Marimar.


Bagama't marami sa mga tagahanga ni Herlene Budol ang umaasang gaganap ang aktres sa role ni Marimar may mga nagsasabing hindi ito mangyayari dahil ang nasabing video ay isa lamang sa mga behind the scenes ng ginagawang music video ni Herlene Budol para sa kanyang kanta na pinamagatang 'Kain Tayo'.


Matatandaan  na kamakailan lamang ay nasangkot sa isang kontrobersiya si Herlene Budol nang kumalat sa social media ang conversation nila ng kapwa Kapuso actor na si Rob Gomez na naging leading man niya sa teleseryeng Magandang Dilag.


Nalagyan ng malisya ang palitan nila ng mga mensahe dahil sa mga salitang 'Kain' at 'gutom'. Hinala ng marami na ang nagpalabas ng mga nasabing conversation ay walang iba kundi ang mismong kinakasama ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang naghinalang naging kabit si Herlene Budol at pumatol ito sa lalaking may kinakasama at anak na. 


Subalit, kahit pa nakakatanggap ng pambabatikos si Herlene Budol ay dinidedma lamang niya ito at iginiit na wala silang relasyon ni Rob Gomez at nagtutulungan lamang umano silang magkabisa ng mga linya at salitang 'kain' at 'gutom' ay wala naman umanong ibang pakahulugan.



Cristy Pumalag Sa Official Statement Ni Dominic Roque Na Pagsampa Ng Kaso Laban Sa Paninira Niya!

Walang komento


 Kaagad na pumalag ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa inilabas ng official statement ni Dominic Roque sa pamamagitan ng mga legal council nito, partikular na ang sinasabing condo unit na tinitirhan ng actor-model na pagmamay-ari umano ng isang kilalang pulitiko.


Hindi napigilan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kanyang galit matapos siyang i-call out ng kampo ni Dominic Roque sa inilabas na official statement nito na umanong naninira sa puri ni Dominic Roque sa pagsasabing may relasyon ito at si Bullet Jalosjos na totoong nagmamay-ari sa condong tinitirhan nito.


Dahil sa inis ni Cristy Fermin, hiningan niya ng resibo ang legal council ni Dominic Roque na maglabas sila ng resibo kung may sinabi ba umano siya sa kanyang mga vlog na may relasyon sina Mayor Bullet Jalosjos at Dominic Roque.


Iginiit din ni Cristy Fermin na wala naman umano siyang binanggit na pangalan sa kanyang mga vlog. Subalit, ang tila pinagbabasehan naman ng legal council ni Dominic Roque ay ang mga pa-blind item ni Cristy Fermin patungkol sa lalaking pulitiko na totoong nagmamay-ari sa condo unit na tinitirhan.


Ayon kay Cristy Fermin, wala siyang intensyon na siraan si Dominic Roque sapagkat nagtatanong lamang umano siya at napatunayan naman niyang hindi kay Dominic Roque nakapangalan ang nasabing condo unit kundi sa isang lalaking pulitiko.


Wala rin naman umano siyang binanggit na pangalan at puro katanungan lamang ang lahat.


Hindi rin nagustuhan ni Cristy Fermin at pinagsabihan niya si Dominic Roque sa pagpapalabas ng official statement sa pamamagitan ng kanyang mga abogado. Ayon pa kay Cristy Fermin sa ginawang ito ni Dominic Roque ay pinapalabas lamang nito ang kanyang pagiging maselan at sensitibo.


Pahayag ni Cristy Fermin," Ngayon Dominic Roque, napakaselan mo, napakasensitibo mo, public figure ka pero lumalabas rito sa ipinalabas mong opisyal na pahayag sa pamamagitan ng iyong mga abogado na ayaw mong may naririnig at nababasa na para sayo ay hindi kagandahang kwento."


Pagpupunto pa ni Cristy Fermin, na pinasok ni Dominic Roque ang mundo ng showbiz at nasa gitna ng aliwan siya kaya naman hindi na dapat ito umaasa na mabigyan ng full privacy.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na hindi naman umano gaano kakilala si Dominic Roque at sumikat lamang dahil kay Bea Alonzo kaya naman hindi na umano ito dapat pang mag-inarte.


Ayon pa kay Cristy Fermin, na hindi naman nila sinisiraan si Dominic Roque sa katunayan ay ipinagtatanggol pa nila ito dahil ayaw na ayaw umano ni Cristy Fermin na tinatanggalan ng pride ang isang lalaki.


Kinukuntra pa umano ni Cristy Fermin ang mga taong nambabash kay Dominic Roque at nangmamaliit rito dahil mas mayaman kaysa kanya si Bea Alonzo.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo