Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa ilang mga social media sites at ilang mga netizens ang naging banat ni Jose Manalo sa kanyang co-host sa Sugod Bahay segment ng E.A.T na si Zombie Tugue.
Marami ang umalma sa naging pahayag ni Jose Manalo patungkol sa kulay ni Zombie at ipinapahayag nilang nagiging racist na umano.
May mga nanawagan pa sa MTRCB na aksyunan ang ginawa ni Jose Manalo dahil nagiging racist na umano ito.
Samantala, nagbigay na ng pahayag ang Nigerian co-host ni Jose Manalo na nasabing segment ng E.A.T at nilinaw na niya kung may isyu nga ba sa pagitan nila ni Jose.
Ayon kay Zombie hindi niya alam na naging isyu na pala ang biruan umano nila ni Jose habang nasa Sugod Bahay sila.
Nilinaw din ni Zombie na hindi siya na-offend o nasaktan kahit kunti sa usapan nila ni Jose Manalo. Tanging goodvibes lamang umano ang kanyang naramdaman noong mga panahong iyon.
Ipinunto rin niya na nagtatawanan silang lahat at totoo umano iyon dahil wala naman siyang nakikitang masama sa ginawa ni Jose Manalo.
“Sa pagkarinig ko, I did not feel or hear anything bad or that affects me, parang good vibes lang kaming dalawa. We’re just laughing, good vibes, we just making everybody happy.. That’s our goal.”
“Walang mali diyan okay, if I come out and tell you that what he say hurts me, then okay, pero walang mali diyan. It did not hurt me, no.. Walang mali diyan,” pagpupunto pa ni Zombie.
Hindi rin umano alam ni Zombie kung bakit naging big deal sa social media ang naging biro ni Jose sa kanya.
Hiling din ni Zombie na huwag na lamang pakialaman ng mga netizens ang buhay nila.
“Wag kayong maging pakialamera sa mga bagay na hindi para sayo. Mind your business please, always mind your business.”
Hiling din ni Zombie na itigil na ang pambabatikos kay Jose Manalo dahil wala naman umano itong masamang ginawa.
Ipinunto pa ni Zombie na napakasaya niya ngayon na kabilang na sa E.A.T partikular na sa Sugod Bahay team.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!