Youtube Channel Ng TAPE Inc. Terminated, Mga Fans ng TVJ Sinisisi!

Martes, Agosto 15, 2023

/ by Lovely


 Mga panibagong Eat Bulaga hosts, galit na galit matapos materminate ang kanilang bagong gawang Youtube channel na ilang araw pa lamang ginawa.


Tila sinisisi ngayon ang mga fans ng legit dabarkads at TVJ sa pagkakatanggal ng Youtube channel ng TAPE Inc. dalawang araw matapos nilang ginawa.


Matatandaan na nitong, sabado August 12, 2023 ibinahagi ng mga hosts ng Eat Bulaga ang paggawa nila ng Youtube channel kung saan mapapanood umano ang kanilang show.


Subalit, nitong lunes ng madaling araw, hindi na accessible at hindi na nakikita ang kanilang Youtube channel. Tila maraming mga netizens ang nagreport sa kanilang YT channel kaya ito tinerminate ng YouTube.


Samantala, agad namang nagsalita ang mga panibagong Eat Bulaga hosts kung saan hayagan nilang isiniwalat ang kanilang pagkadismaya sa umano'y mga toxic bashers ng kanilang show.


Naaawa naman umano ang ilang mga fans ng TAPE Inc. sa social media manager ng TAPE dahil mawawalan na naman ito ng trabaho dahil sa kagagawan ng mga walang hiyang fans ng TVJ na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove on sa pag-alis ng TVJ sa show.


Ayon pa sa ilang mga supporters ng TAPE Inc. at Eat Bulaga, tila may ibang pinanggagalingan ang mga fans ng TVJ kung bakit hindi nila hinahayaang mag-bloom ang mga social media accounts na ginawa ng TAPE Inc. at bagong Eat Bulaga hosts.


Matatandaan na narestrict din ang mga naunang social media pages ng TAPE Inc. at Eat Bulaga, matapos umanong i-report ng mga fans ng TVJ.


Ayon pa sa ilang mga fans ng rebranded Eat Bulaga, kaya pilit na nilalaban ng TVJ ang copyright ng Eat Bulaga dahil sa mga video na uploaded sa YT channel na hawak ng mga ito.


Dahil kung isusuko umano ng TVJ ang laban ay kinailangang burahin nila ang mga videos na nasa kanilang hawak na channel.


Hinuha pa ng ilang mga fans ng TAPE Inc. na kaya nirereport ng mga tauhan ng TVJ ang mga social media pages ng TAPE Inc. dahil sa takot ng mga ito na masapawan sa views ang kanilang show.


Marami kasi mga bagong henerasyon ang mas ninanais na makita ang mga videos ng mga bagong hosts kaysa sa mga matatanda na umano.


Samantala, nagbigay naman ng opinyon ang ilang mga TVJ fans  patungkol sa pagbibintang na ito ng mga fans ng kabilang show.


"Bakit terminate baka may 'mali' sa kanila, if TVJ naman ang gagawa nun bakit naman nila gagawin yun e name ang pinag-aawayan, yung ratings wala naman mapapala dun, lamang na mandadaya pa ba ang gagawa ng magic syempre yung talunan."


"Sana po sa tape bulaga ay palitan na pangalan ninyo para smooth na show ninyo.. saka kung di mayayabang mga new host ninyo bolet kaluskos.. Ganda sana ng kompetisyon ng mga shows.. Bawasan ang yabang at focus lang sa show."


"Buong bayan kasi ang kalaban ng TAPE hindi kasi sila marunong makinig sa taong bayan bitawan na kasi yan titulo."


"Kinakabit kasi nila ang phrase na Eat Bulaga, e, may nag mamay ari na sa account na Eat Bulaga kaya automatic take down."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo