Yorme Isko Moreno Napareact Sa Jingle Ni Jose Manalo

Huwebes, Agosto 10, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang ginawang jingle song para sa karakter ni Jose Manalo sa isang segment ng E.A.T.


Sa ilang araw na pagpapalabas nito ay kapansin-pansin na ang pagpatok nito sa publiko. Muling tumaas ang rating ng E.A.T at muling pinataob ang mga katapat na noontime show.


Tila pinataob din ng kantang ito si Isko Moreno na kilala bilang si Yorme Isko Moreno at ang segment nitong G sa Gedli ng Eat Bulaga.


Samantala, nagreact naman ang mga fans ni Yorme Isko Moreno sa ginawang jingle para kay Jose Manalo. Tila ginagaya umano nito ang style ng pangangampanya noon ni Isko Moreno.


May mga nagsasabi pang tila pinipersonal na ng TVJ ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga gayung nagtatrabaho lamang umano ang mga ito dahil may kanya-kanya rin itong mga pangangailangan.


Ipinunto pa nila na wala naman umanong kinalaman ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga sa nangyaring conflict sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc.


Matatandaan na inamin na rin ng mga panibagong hosts ng Eat Bulaga na naapektuhan na rin sila personally sa mga natatanggap na bashing dahil sa pagpalit nila sa TVJ.


Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng mga TVJ fans si Jose Manalo laban sa pambabatikos ng mga fans ni Yorme Isko Moreno.


Ipinunto ng mga TVJ fans na hindi naman umano maipagkakaila na mas magaling sa paghohost si Jose Manalo kaysa kay Isko Moreno.


May mga nagsasabi pa na katuwaan lang naman ang ginagawa nina Jose Manalo kaya hindi umano dapat na personalin.


Samantala, nagbigay naman ng payo ang ilang mga netizens kay Jose Manalo kung saan pinayuhan nila ito na huwag nang pasukin ang politika.


Magfocus na lamang umano ito sa pagbibigay ng tuwa at saya sa mga dabarkads.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo