Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang aktres na si Yassi Pressman matapos kumalat ang mga video kung saan namataan silang close at sweet sa isa't-isa ni Presidential son at Congressman na si Sandro Marcos.
Ayon sa mga uploader ng nasabing video, kuha ang moment ng dalawa sa isang after party noong 2nd SONA ni President Bongbong Marcos.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit na magkaibigan sina Sandro Marcos at Yassi Pressman, subalit dahil sa mga kumakalat na larawan, marami ang naghinalang more than friends na ang relasyon ng dalawa.
Makikita sa mga video ang pag akbay ni Yassi kay Sandro Marcos habang magkalapit na magkalapit naman ang kanilang mga mukha.
Sa iba pang video, makikita naman ang pag backhug ni Sandro Marcos kay Yassi Pressman, habang nakahawak naman si Yassi sa batok nito.
Kaya naman, ayon sa ilang mga netizens, hindi umano ito pangkaraniwan sa mga magkaibigan lamang, dahil kung titingnan umano ng maayos ang video, ang ganap ng dalawa ay galawan na ng mga mag-jowa.
Marami rin ang nagsasabi na baka ang closeness na ito ng dalawa ang dahilan kung bakit hiwalay na ngayon si Yassi sa kanyang dating boyfriend na si Jon Semira.
Matatandaan na naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Yassi Pressman ng mga cryptic post na tila pahiwatig na isa na siyang single ngayon.
Nauna na rito, napansin ng mga netizens na hindi naka-follow sa Instagram account ni Yassi Pressman ang kanyang boyfriend na si Jon Semira.
Kasunod nito, ang lalo pang nagpapatibay sa hinala ng mga netizens na hiwalay na si Yassi sa kanyang 1 year long relationship ay ang hindi pagbati ni Yassi Pressman sa nagdaang kaarawan ng boyfriend noong nakaraang July 2023.
Samantala, kaagad namang dumipensa ang ilan sa mga fans ni Yassi Pressman sa mga nagsasabing malandi si Yassi dahil kaka-break pa lamang niya ay may bago na kaagad.
Ayon sa mga fans ng actress, magkaibigan lamang talaga sina Yassi at Sandro. Wala silang relasyon at coincidence lamang ang nangyari.
Pagpupunto naman ng ilan na wala namang masama kung totoong may relasyon nga ang mga ito dahil pareho naman umano silang hindi pa kasal ni Sandro Marcos.
Sa kabilang banda, kahit nali-link noon kay Sandro Marcos ang Eat Bulaga host na si Alexa Miro ay hindi pa rin naman ito kinukumpirma ng dalawa. Kaya naman, hinala ng marami na wala talagang relasyon ang mga ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!