Yassi Pressman Ibinunyag Ang Tunay Na Relasyon Nila Ni Sandro Marcos!

Huwebes, Agosto 17, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang aktres na si Yassi Pressman tungkol sa pang-iintriga sa kanila ni Ilocos Norte Representative na si Sandro Marcos.


Matatandaan na nag-ugat ang usapin ng pagkakaroon nila ng relasyon ni Cong. Sandro Marcos nang kumalat ang video kung saan makikitang tila magkayakap ang dalawa sa isang party.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang video ay kuha noong after party ng 2nd SONA ni President Bongbong Marcos noong nakaraang July.


Ayon sa ilang mga netizens, ang galawan ng dalawa sa nasabing video ay hindi pangmagkaibigan kundi galawan na umano ito ng maggirlfriend-boyfriend.


Kaya naman napapatanong ang mga netizens kung si Cong. Sandro Marcos nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira.


Samantala, sa kamakailang interview ni Yassi Pressman kay Nielson Canlas nagbigay na ng pahayag ang aktres upang maging malinaw na ang isyu.


Ayon kay Yassi Pressman, walang romance na nagaganap sa pagitan nila ng Presidential son at Ilocos Norte Representative na si Sandro Marcos.


Pinabulaanan din niya ang isyung si Cong. Sandro Marcos ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jon Semira.


"Yung nakikita ko po 'yung kay Sandro, hindi po iyon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami," natatawang paliwanag ni Yassi Pressman.


"Nalagyan lang po ng malisya dahil na slow mo, nalagyan lang po ng music."


Nagbigay din nhg pahayag si Yassi Pressman patungkol sa hiwalayan nila ni Jon Semira.


"Sa totoo lang, matagal na po kaming naghiwalay and I'm very, very grateful to Jon. He's a great person, sobrang mabait po talaga. So, sana people will respect our privacy and siya rin po, very private person."


Nauna na ring naglabas ng statement si Jon Semira sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Nilinaw ni Jon Semira na mutual decision nila ang kanilang paghihiwalay at wala rin umanong third party involed.


Sa ngayon ay umaasa ang magkabilang kampo na itigil na ang pang-iisyu sa kanila at irespeto na lamang ang kanilang desisyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo