Yassi Pressman, Hiwalay Na Sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend Na Si Jon Semira

Linggo, Agosto 13, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang isyung naghiwalay na sina Yassi Pressman at kanyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira.


Naghiwalay sina Yassi Pressman at Jon Semira matapos ang mahigit isang taon nilang relasyon.


Ito ang paniniwala ng maraming fans ni Yassi Pressman matapos mapansin ang sunod-sunod na tila cryptic post ng aktres na nagpapahiwatig na single na siya ngayon.


Una ring napansin ng mga fans ng aktres na hindi na naka-follow sa Instagram account ni Yassi Pressman ang kanyang nobyo, subalit naka-follow pa naman rito ang aktres.


Kahina-hinala rin ang pagbabahagi ni Yassi Pressman ng mga social media post na nagpapahiwatig ng pagiging single ulit.


"Not triple

not double

but SINGLE"


Naka-capitalize letter pa talaga ang salitang single na tila pinagsisigawan pa niya ito sa buong mundo.


"it’s nice to be free like this hummingbird on me 🕊️"


Nagbahagi rin si Yassi ng isang art card na may nakasulat na quotes patungkol sa pag-over come sa mga silent battles.


"Be so proud of yourself for how yo're handling this year. You've fought many silent battles, you had to humble yourself, wipe your own tears, pat yourself on the back. Be proud of yourself."


Kalakip naman nito ang caption na, "finally smilinggg thank you Lord."


Base sa caption na ito ng actress, mahihinuhang mayroon nga siyang pinagdadaanan.


Samantala, marami naman ang napapatanong sa comment section ng aktres kung ano nga ba ang kanyang pinagdadaanan.


May mga netizens naman ang nagpahayag ng kanilang pagmamahal para sa aktres.


Bagama't hindi pa nagbibigay ng pahayag si Yassi Pressman sa totoong nangyari sa pagitan nila ni Jon Semira, marami ang naghinalang hindi ito naging maayos dahil sa sunod-sunod na patutsada ng aktres.


Matatandaan na noong July 21, 2022, inamin ni Yassi Pressman sa publiko ang relasyon nila ng Toronto-based businessman na si Jon Semira dahil sa kanyang Instagram post, kung saan binati niya ang binata sa kaarawan nito.


“HBD. So happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.


“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think I’m kulit,” ang birthday message ni Yassi para kay Jon noong nakaraang taon.


Samantala sa isang television interview noong May 2023, ibinahagi pa ni Yassi na naka base sa Canada si Jon, pero bumalik at nanirahan ito sa Pilipinas dahil sa kanya.


“I think it’s pretty secure,” pagpapahayag pa ni Yassi sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Jon Semira.


“Something I guess I was needing after a lot of the things that have happened in my life. And finally, parang it feels like home na no pressure, no stress, very, very light,” dagdag pa ng dalagang actress.


Subalit noong July 2023 sa kaarawan ni Jon, wala na siyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang boyfriend na pinagmulan rin ng mga spekulasyon na naghiwalay na ang mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo