Yassi Pressman, Hinalikan Ni Gov. Luigi Villafuerte, Video Viral Na

Martes, Agosto 15, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang pagkukumpirma umano ng aktres na si Yassi Pressman sa hiwalayan nila ng kanyang businessman boyfriend na si Jon Semira.


Agad na naglabasan ang mga spekulasyon na naghiwalay na sina Yassi Pressman at Jon Semira nang sunod-sunod ang pagbabahagi ng aktres ng mga cryptic post sa kanyang Instagram account.


Lalo pang lumakas ang hinala ng mga netizens patungkol sa hiwalayan nina Yassi Pressman at Jon Semira nang kumalat sa social media ang video kung saan tila naiiba ang closeness nina Yassi Pressman at Presidential son at Ilocos Norte Congressman na si Sandro Marcos.


Ayon sa mga netizens na ang video ay kuha sa after party ng 2nd SONA ni Pangulong Bongbong Marcos. Makikita sa nasabing video ang closeness nina Sandro Marcos at Yassi Pressman.


May punto pa sa video kung saan nakalingkis si Yassi kay Sandro Marcos. Marami rin ang nakapansin sa matatamis na ngiti ni Yassi para kay Sandro Marcos.


Subalit, nagulat ang mga netizens nang kamakailan lamang ay may kumalat na namang panibagong video kung saan hinalikan ni Gov. Luigi Villafuerte si Yassi Pressman sa harap ng publiko.


Base sa mga kumakalat na video, lumalabas na ini-entertain nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte ang mga manonood.


Ang mga guests din ang nag-request na halikan ng governor si Yassi Pressman sa pisngi. Agad naman itong sinunod ng governor na ikinasiya ng mga netizens.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Yassi Pressman patungkol sa mga kumakalat na video at mga intriga patungkol sa kanyang mga kinakasangkutan ngayon.


Si Yasmin Isabel Yasto Pressman, na mas kilala bilang si Yassi Pressman, ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Isinilang siya noong May 11. 1995.


Labis na sumikat si Yassi Pressman nang maging leading lady siya ni Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsyano. Kung saan ginampanan niya ang papel ni Alyanna na asawa ng karakter ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo