Sa mga nasabing larawan, makikitang tila naiiba na ang closeness ng dalawa. Makikita pang komportable na rin sila sa kani-kanilang presence.
Isa na rito ay ang tila natural lamang na paghawak ni Luigi sa hita ng aktress habang nakaupo sila sa loob ng sasakyan.
Marami pa ang nag-call out noon sa Governor na sa kambyo dapat ang kamay at hindi sa makinis na hita ng aktres.
Sa ilan pang mga larawan at video clips, makikita ang pagkapit ni Yassi sa braso ni Gov. Luigi na naging dahilan kung bakit mas lumakas ang hinala ng maraming netizens na totohanan na ang kanilang relasyon.
May mga nagsasabi pang tila naghahanda na si Yassi sa kanyang magiging role kapag magpakasal na sila ni Gov. Luigi. Lumalabas na ang pagsama-sama ngayon ni Yassi sa Governor ay pagpapakita ng suporta na mula sa isang asawa.
Hindi naman ito malabong mangyari dahil sa ipinapakita sa takbo ng relasyon nila sa ngayon.
Sa kabilang banda, hinihintay pa rin ng mga netizens ang kumpirmasyon ni Yassi Pressman sa relasyon nila ni Gov. Luigi Villafuerte.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!