Xian Gaza Nagreact Sa Isyung Kinakaharap Nina Vice Ganda at Ion Perez

Huwebes, Agosto 3, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na rin ng reaction at saloobin ang businessman at Pambansang Marites na si Xian Gaza patungkol sa isyung kinakaharap ngayon nina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa ginawa nilang pagsubo sa icing ng cake habang nasa Isip-Bata segment ng It's Showtime.


Maraming nagreklamo sa kanilang ginawa maging ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendong Labador. Ayon sa kanilang, indecent acts ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez at kailangan umanong aksyunan ito ng MTRCB.


Kasunod nito, naglabas ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB kung saan pinatawag nila ang producers ng show upang magbigay paliwanag sa nangyari.


Samantala, naglabas na rin ng reaksyon si Xian Ganda kung saan ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa isyung kinakaharap nina Vice Ganda at Ion Perez.


Ayon kay Xian Gaza, ang mga netizens at ang MTRCB lamang ang nag-iisip na malaswa ang ginawa ng dalawang hosts ng show.


“Movie and Television Review and Classification Board alam ko po na yung opinyon ko ay walang bilang sa mundo pero gusto ko lang po i-express na wala akong nakikitang kalaswaan sa ginawa ni Vice Ganda at Ion Perez. Yung isipan lang po natin ang malaswa.”


Pagpupunto pa ni Xian Gaza, mga matatanda lamang ang nag-iisip na malaswa ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez dahil hindi umano ito naiisip ng mga bata. Sinabi pa ni Xian na tila may gender discrimination na nangyayari dahil parehong lalaki ang gumawa ng akto kaya hindi matanggap ng tao.


“Kung babae at lalaki po sila eh hindi niyo po yan sisilipin at iisipan m ng masama. Dini-discriminate niyo lang po sila dahil sa kanilang gender orientation.”


Nilinaw din naman ni Xian na hindi siya kabilang sa mga fans nina Vice at Ion. Tila nagpatutsada din siya sa MTRCB chairperson na si Lala Sotto dahil sa pagiging biased umano nito dahil naisyu rin ang indecent acts ng mga magulang sa show na E.A.T.


“Hindi po ako fan ni Vice at Ion. Binash ko pa nga sila last 2021 after mag-donate ng 500k pesos. Sinasabi ko lang po yung alam kong tama without any bias at all.


“Pero hindi ko po sinasabi na mali kayo ha? Taliwas lng po yung paniniwala ko sa opinyon ngo. Maaaring mali ako,” pagpupunto ni Xian Gaza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo