Muli na namang nagbahagi ng panibagong 'hugot' ang talent manager na si Wilbert Tolentino na nagpabuhay sa mga dugo ng mga marites.
Sa ibinahaging post ni Wilbert Tolentino, ipinahayag niyang mas mabuti na iyong ipanapakita ang masamang ugali kaysa sa mga taong nagpapakaplastic umano.
“Mas okay na ‘yung taong kitang-kita mo ‘yung masamang UGALI. Kesa naman sa mga taong kunwari mabait pero PLASTIK.”
Hindi naman napigil ng ilang mga followers ni Wilbert Tolentino ang mapatanong kung sino nga ba ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga cryptic post.
“Panay parinig kuya will spluk mo na kung sino yan.”
"Para kanino kaya mga hugoat nayan?"
"Subra yong lalabas ang ugali sa huli na akala mo mabait hindi pala ang itim ng budhi"
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ng isang cryptic post si Wilbert Tolentino. Nitong July 8, 2023, naging usap-usapan din sa social media ang inilabas na cryptic post ni Wilbert Tolentino.
May mga nagsasabi pang tila ang kanyang alagang si Herlene Budol ang tinutukoy nito. Mas lalo pang lumakas ang paniniwala ng ilang mga Marites ng biglaang ipahayag ni Wilbert ang pagbibitiw niya bilang talent manager ni Herlene Budol.
“Nakakadala tumulong sa tao na indi marunong mag value sa taong may pagmamalasakit at ang worst ay ungrateful asal pinapakita at laging pabalang sumagot.”
“Nakakasuka ang ugali mo. Di ka magtatagal sa indistria sa asal na meron ka! Kahit saan ka pa lumipat at kung di ka nag bago. Binitbit mo lang ang problema mo sa bago mong pakikisamahan. Sorry at hindi ko na kaya e defend pag uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakakalungkot sabihin pero real talk po ito.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!