Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang malungkot na balitang tuluyang tatanggalin sa E.A.T si Wally Bayola, matapos hindi palampasin ng MTRCB ang pagmumura ni Wally Bayola sa isang segment ng E.A.T sa kabila ng paghingi nito ng tawad.
Ayon sa mga haka-hakang naglabasan ngayon, maari umanong mapilitan ang management ng E.A.T na tanggalin bilang host si Wally Bayola.
Sa kabilang banda, marami naman ang nagtatanggal sa host dahil hindi naman umano nito sinasadya na makapagmura at hindi rin nito lubos akalain na masasagap pa pala ng mikropono ang kanyang pagmumura.
Base sa video, hindi na nakapokus kay Wally Bayola ang kamera kaya inakala marahil ng host na naka off na ang kanyang microphone.
Hiling ng mga fans ni Wally Bayola na huwag naman sana umano itong tanggalin kaagad bagkus ay bigyan muna ng suspension.
Samantala, hindi rin naman pumayag ang TVJ na kaagad tanggalin si Wally. Gayunpaman, nangangako sila sa pamunuan na didisiplinahin na nila ang kanilang mga kasamahan upang hindi na maulit ang nasabing insidente.
Matatandaan na pinatawag na sila ng MTRCB matapos magviral ang video kung saan nakapagmura si Wally Bayola, ito'y sa kabila ng paghingi nito ng public apology.
"Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi, nagkamali po ako doon at ako po ay humihingi ng paumanhin at pang-uunawa ninyong lahat. Pasenya na po, pasenya napo sa lahat," pahayag ni Wally Bayola.
Base sa inilabas na press release ng MTRCB noong byernes August 11, 2023, binibigyan nila ng Notice to Appear and Testify ang production management ng noontime show na E.A.T matapos ang pagmumura ni Wally Bayola sa isang segment ng show.
"The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), motu proprio, issued a Notice to Appear and Testify to the Production Group of E.A.T noontime TV show over the utterance of profane words by one of the program hosts, Wally Bayola, which aired on 10 August 2023 as covered by the Board’s Monitoring and Inspection Unit."
"Said scene is in violation of Section 2 (B), Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986). "
Magaganap naman umano ang kanilang hearing sa darating na lunes August 14, 2023 sa MTRCB Offices sa Timog Avenue, Quezon City.
"The Board said any violation of PD No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations governing motion pictures, television programs, and related promotional materials shall be penalized with suspension or cancellation of permits and/or licenses issued by the Board and/or with the imposition of fines and other administrative penalty/penalties."
Samantala, nasisiyahan naman ngayon ang ilang mga It's Showtime fans sa desisyon ni Lala Sotto sa pagpapatawag sa production ng E.A.T dahil ilang beses na nilang kinukuha ang pansin nito para pa-imbestigahan naman ang mga mali na ginagawa ng kabilang noontime show.
Matatandaan na kamakailan lamang ay pinatawag din ng MTRCB ang production company ng It's Showtime matapos ang indecent acts umano nina Ion Perez at Vice Ganda sa isang episode ng show.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!