Wally Bayola Nagbigay Ng Update Hinggil Sa Pagpapatwag Ng MTRCB sa E.A.T Kasunod ng Kanyang Pagmumura

Martes, Agosto 22, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang E.A.T co-host na si Wally Bayola hinggil sa natanggap na Notice To Appear and Testify o summon ng MTRCB laban sa kanilang show kasunod ng kanyang pagmumura sa isang episode ng Sugod Bahay segment.


Sa naganap na press conference para sa upcoming show nila ni Jose Manalo sa TV5, kinumpirma ni Wally na napag-usapan na ng E.A.T at MTRCB ang isyu.


Gayunpaman, tumanggi si Wally at hindi na magbigay pa ng mga karagdagang detalye tungkol sa naganap na pag-uusap ng E.A.T at MTRCB.


“Yes po. May pag-uusap po ang MTRCB at sa production. Syempre, hindi pa ako pwede magbigay ng salaysay and I want to keep it privately muna kasi nga, ongoing pa ‘yung pag-uusap,” pahayag ni Wally Bayola. 


Matatandaan na ayon sa inilabas na pahayag noon ng MTRCB, kasunod ng pagpapatawag nila sa E.A.T na nalabag ng host na si Wally Bayola ang Presidential Decree No. 1986. Ito ang siyang nagbabawal sa mga taong gumamit ng mga profanities habang nakalive sa television.


Kapag napatunayan ang bigat ng pagkakasala ni Wally ay maari siyang masuspendi sa show. Maari rin na ang buong show ang masuspend sa pagpapalas on air.


Matatandaan na kaagad naman noon na humingi ng pasensya at pang-unawa mula sa mga manonood subalit, naglabas pa rin ng Notice dto Appear at Testify ang MTRCB laban sa E.A.T.


Samantala, malakas naman ang loob ng marami na hindi masususpende ang E.A.T dahil malakas umano ang kapit nito sa MTRCB dahil sa chairperson nito na si Lala Sotto na anak ni Tito Sotto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo