Agad na humingi ng paumanhin si Wally Bayola sa kanyang pagmumura sa isang episode ng E.A.T.
Agad na nagbigay ng public apology ang E.A.T host na si Wally Bayola nitong August 10, 2023 matapos ang hindi sinasadyang pagmumura habang nasa live airing sila sa kanilang noontime show.
Habang nasa Sugod Bahay Mga Kapatid segment sila ng E.A.T kahapon bigla na lamang ginulat ni Wally ang mga netizens sa biglaang pagmumura niya.
Ginampanan ni Jose Manalo, sa nasabing segment ang papel bilang si Mayor habang sina Zombie Tugue at Wally naman ang kanyang mga bodyguards.
Tila hindi umano napansin ni Wally na naka-on pala ang kanyang microphone o di kaya'y tiwala siyang hindi na mapipick up ng mic ang kanyang pahayag dahil malayo naman ito sa kanyang bibig habang nagmumura siya.
Bagama't napansin ng iba pang hosts sa E.A.T ang ginawa ni Wally ay nagpatay malisya na lamang sila rito.
Gayunpaman, sa latest episode ngayon ng E.A.T partikular na sa segment na Sugod Bahay Mga Kapatid, ipinahayag ni Wally Bayola ang kanyang public apology matapos makatanggap ng mga pambabatikos mula sa mga netizens kung saan may mga nanawagan pa na imbestigahan din ito ng MTRCB.
Inumpisahan naman ito ni Jose Manalo bilang Mayor Jose, "Meron lang po akong isang mahalagang bagay na sasabihin sa inyo. Marami po akong narinig o nabasa online at marami pong tumawag sa akin tungkol dito, meron pa tayong mga ganitong bagya kahit hindi naman natin ito sinasadya. Pero kinakailangan po natin itong ayusin.
"Kaya po narito kami ngayon upang ituwid natin yung hindi nagustuhan o marinig ng bawat-isa sa atin, kaya dapat po tayong nakikinig.
"Hindi lang yan, nagpapakumbaba po. Pinaka-importante yung nagpapakumbaba po tayo, bagama't hindi naman natin sinasadya ang mga bagay na ito. At yung isang kasama natin, nakapagsalita na hindi naman niya ito sinasadya. Kaya aayusin natin ito."
Kasunod nito, tinawag na ni Jose si Wally Bayola. Pagpapatuloy pa ni Jose, "Kailangan po nating ayusin ang mga bagay na ito, hindi kailangang palampasin at hindi po natin dapat na kunsintihin. Ki sinasadya o hindi kailangan po natin ayusin ito."
Tila halata naman kay Wally na nahihirapan siya bago umpisahan ang kanyang pahayag.
"Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi, nagkamali po ako doon at ako po ay humihingi ng paumanhin at pang-uunawa ninyong lahat. Pasenya na po, pasenya napo sa lahat."
Hirit naman ni Jose, "Mas maganda iyon, hindi tayo nagmamatigasan. Ang importante humihingi tayo ng kapatawaran. Muli nandito kami para humingi ng dispensa sa inyo at makakaasa kayo na hindi na po mauulit ang mga bagay na ito."
Pinuri naman ni Vic Sotto ang paghingi ng paumanhin ni Wally at ang pagtanggap ng pagkakamali nito.
"Salamat din kay Wally at humingi rin ng paumanhin at pagtanggap ng pagkakamali. Ang mahalaga 'pag alam nating nagkamali ay dapat na itinatama natin kaagad."
Matatandaan na agad na umani ng pambabatikos lalo na sa mga fans ng It's Showtime ang pagmumura ni Wally Bayola kung saan muling nadamay ang pangalan ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto.
“Syempre deadma si Lala dyan. Sya ba naman nandyan during launch as a daughter not as MTRCB chair. makikita na naman namin pagmumukha nya sa mga sinehan.”
“Siyempre Di papansinin yan ni madam chair. Ang LALA nyo: natural lang kay Wally yan. Nakagawian na nila yn kalyeserye palang. Matagal na nila ginagawa yan. Wala naman problema. Words of expression lang naman yan. Walang dahilan para imbitahan ang Eat.”
May malutong na nagmura sa national TV so Lala Sotto anong aksyon natin 💁🏻♀️ pic.twitter.com/MTXzpT1DwZ
— ALTStarMagic 💫 (@AltStarMagic) August 10, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!