Vicky Morales at Kabayan Noli Agad Na Nakiramay Sa Unang Gabi Ng Lamay Ni Mike Enriquez

Huwebes, Agosto 31, 2023

/ by Lovely


 Spotted ang TV Patrol news anchor na si Noli De Castro sa unang gabi ng lamay ni Mike Enriquez.


Matatandaan na isiniwalat kamakailan ni Noli De Castro na malapit silang magkaibigan ni Mike Enriquez kahit pa magkatapat ang kanilang programa sa magkaibang TV networks.


Sa kabilang banda, spotted din sa unang gabi ng lamay ng namayapang si Mike Enriquez ang kasamahan niyang news anchor sa 24 Oras na si Vicky Morales.


Base sa mga kumakalat na larawan, talagang makikita ang pagdadalamhati nito sa pagpanaw ni Mike Enriquez. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matagal ding nagkasama sina Vicky Morales at Mike Enriquez sa 24 Oras kaya naman parang kapamilya na rin ang kanilang pagtuturingan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo