Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Vice Ganda sa isyung kinakasangkutan ng kanyang alaga na si Awra Briguela.
Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang TV host-actress na si Vice Ganda hinggil sa nangyaring rambulan na kinasangkutan ng kanyang alaga na si Awra Briguela.
Matatandaan na noong June 29, kumalat video ng pagwawala ni Awra Briguela sa loob at labas ng isang bar sa Poblacion, Makati.
Agad namang rumisponde ang mga otoridad sa nasabing insidente, may kumakalat pang video kung saan pilit na kumakawala si Awra sa mga pulis na may hawak sa kanya.
Ayon sa mga naging pahayag ng mga kaibigan ni Awra, dinipensahan lamang umano sila ni Awra dahil binastos sila ng mga lalaki.
Subalit, iba naman ang naging pahayag ng mga kalalakihan dahil wala naman umanong bastusan na naganap dahil ang pinagmulan lamang ng gulo ay si Awra mismo.
Pinagpapahubad umano ni Awra ng pantalon ang lalaki at nang hindi niya ito sinunod ay nagalit na ang aktor at namimisikal na.
Kinasuhan si Awra ng Physical Injuries, Alarm and Scandal at Disobedience to Person in Authority. Makalipas naman ang ilang araw nakalabas sa kulungan si Awra matapos makapagpyansa.
Samantala, sa kamakailang episode ng Showbiz Updates nina Ogie Diaz natalakay nila ang pagsasampa ng mga panibagong kaso laban kay Awra Briguela ng mga nakaalitan nito.
Napag-usapan din nila kung may ugnayan pa ba sina Vice Ganda at Awra Briguela matapos ang insidenteng ito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman na si Vice Ganda ang talent manager ni Awra Briguela.
Naibahagi rin ni Ogie Diaz, na minsan niyang nakita sina Awra Briguela, kasama ang ama nito sa labas ng bahay ni Vice Ganda. Subalit hindi naman umano malinaw kung kararating lamang ba ng mga ito o hindi talaga sila pinapasok ni Vice Ganda.
"Kasi, one time nakita ko nga si Awra, nandoon sa harap ng bahay ni Vice kasama ni Awra yung tatay niya."
Dagdag pa ni Ogie Diaz, hindi naman na umano kataka-taka kung tuluyan nang binitiwan ni Vice Ganda si Awra Briguela matapos ang kinasangkutan nitong kontrobersya at pakikipagrambulan.
"Kung binitiwan man siya ni Vice, huwag na tayong ma-shock. Syempre kung stress yan kay Vice bibitawan niya yan, pero kung si Vice ay naniniwala siyang kaya niyang ayusin yan or kaya niyang pakiusapan si Awra na makipag-ayos na, gagawin yun ni Vice."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!