Vice Ganda Umiyak at Emosyonal Sa Mini Ms. U at Mga Netizens Naki-Simpatiya Kay Vice!

Linggo, Agosto 20, 2023

/ by Lovely


Sa kamakailang episode ng Mini Ms. U segment ng It's Showtime noong byernes August 18, 2023, hindi napigil ng host na si Vice Ganda ang kanyang emosyun dahil sa ginawa ng kanilang contestant.


Hindi napigil ni Vice Ganda ang kanyang mga luha matapos iperform ng isang Mini Ms. U contestant ang isang tula para sa mga kanilang mga It's Showtime hosts.


Ibinahagi ng contestant na si Yuri ang tula na itinuro at ginawa ng kanyang ama. Naitalakay sa nasabing tula kung paano nakakapagbigay ng saya ang mga hosts ng It's Showtime sa kanilang mga manonood.


"Noong unang panahon, mayroong tagapagtanggol ng kasiyahan. Sila ay sina Meme Vice, Ate Anne at marami pang iba. Pumunta sila sa isang bayan, agaw pansin ang kalungkutan.


"Agad na ginamit ni Meme Vice ang kanyang super powers sa pagsasalita at pagpapatawa. Nainggit naman si Ate Anne at ginamit niya ang kanyang bibig sa pagkanta."


"Sumunod si Ate Karylle na bumirit-birit pa. Sayaw ni Ate Kim, Tumambling si Kuya Vhong. Sumunod si Kuya Jhong."


"Nagpalakpakan ang lahat kaya napalitan ang kalungkutan ng kasiyahan."


Agad namang pinasalamatan ni Vice Ganda si Yuri, matapos ang performance nito.


"Ang ganda ng pagkakilala niya sa pamilyang ito, walang bahid. Ang Ganda maraming-maraming salamat sa iyo. Lagi mong iisipin yan kahit saan ka magpunta. Maraming nagmamahal sa'yo," pahayag ni Vice Ganda na nagsimula nang pamuuhan ng mga luha sa mata.


Dagdag  pang pahayag ni Vice Ganda, "May pagkakataon minsan, malulungkot ka, kaya ka nalulungkot kasi nalilimutan mo na, 'May nagmamahal pala sa akin.' Kapag nalulungkot ako, iisipin ko lagi mahal mo ako. Masayang-masaya ako kapag kasama ko kayo. Kaya minsan nalulungkot ako kasi natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama."


"Kaya ngayon na may pagkakataon na makasama kayo, gusto ko lang na maging masaya, at masaya ako na masaya ka."


Naantig naman ang puso ng mga Madlang Pipol sa pagiging emosyunal ni Vice Ganda. May mga netizens rin na nakikisimpatya rito dahil sa mga pinagdadaanan nitong stress dahil sa pagpapatawag ng MTRCB dahil sa isyu nila ni Ion Perez.


Sa kabilang banda, wala pang inilalabas na desisyon ang MTRCB hinggil sa ginawang pagpapatawag nila sa It's Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo