Sa kabila ng isyung kinakaharap ng It's Showtime at ng host nitong si Vice Ganda sa MTRCB, dahil sa pagbibigay sa kanila ng Notice to Appear and Testify, masaya at nakangiti pa rin niyang binati ang madlang pipol sa latest episode ng show.
Samantala sa segment na Rampanalo kasama ang kanilang guest host na si Bianca Umali, tila ginawa na lamang biro ni Vice Ganda ang mga pambabatikos at isyung kinakaharap.
Pinagdedebatihan pa rin ng ilang mga netizens ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment na Isip Bata habang sinusubo nila ang icing ng cake.
Una nang nagkaisyu sa MTRCB kamakailan lamang ang It's Showtime dahil sa umano'y wardrobe malfunction habang nagpeperform si Regine Tolentino.
Samantala, isang ginang naman na kalahok sa segment na Rampanalo ang sinita at pinagsabihan ni Vice Ganda dahil sa may pending issues pa umano sila sa MTRCB.
Isang masiglang contestant ang kinapanayam nila kung saan tinanong ito ni Vhong Navarro kung mayroon na ba itong asawa.
Agad naman nitong sinabing mayroon at sa katunayan ay nag-chorva pa sila kagabi. Tila agad namang nag-iba ang ihip ng hangin sa stage at nag-iba rin ang mukha ni Vice Ganda.
Kaya naman, binawi kaagad ng contestant ang kanyang sinabi at nilinaw na ang tinutukoy niya ay ang pagkain sa labas.
“Yessssss!!!! Ate konting kalma ha, may issue pa kami,” pabiro pero may puntong pagsasaway ni Vice Ganda.
Agad namang humingi ng paumanhin ang nasabing contestant.
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na may contestant na sinaway si Vice Ganda sa show na It's Showtime para masunod ang alintuntunin ng MTRCB.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!