Usap-usapan ngayon online ang babaeng contestant ng Rampanalo segment ng It's Showtime.
Kakaiba kasi ang pagbati ng nasabing contestant kung saan maging si Vice Ganda ay napareact rito.
Sa halip na batiin nito ang kanyang boyfriend, ay ang kabit ang binati nito.
Pahayag ng contestant,"Shout out po sa asawa ko, ahy sa kabit po pala."
Agad namang napareact si Vice Ganda sa pa-shout out ng babae at pinangaralan ito.
"Oy, no, hindi natin sina-shout out iyon, that's very wrong. Hindi yan pinagmamalaki ate," tila pangaral ni Vice Ganda.
Agad namang nagpaliwanag kay Vice Ganda ang nasabing contestant subalit, muli lamang siyang sinupla ni Vice Ganda.
Ipinunto ni Vice Ganda na hindi maganda ang salitang binitawan ng babae lalo pa't sa kanilang show na marami pang kinakaharap na reklamo.
Agad namang humingi ng paumanhin ang babae at napatungo na lamang dahil sa pagkapahiya.
Marami naman sa mga netizens ang sang-ayon kay Vice Ganda dahil talagang hindi naman umano maganda na talagang ipagsigawan pa on national television ang pagkakaroon ng kabit at ang pangangaliwa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!