Nagbigay na ng pahayag ang Unkabogable Star na si Vice Ganda hinggil sa isyung kinasangkutan ng kanyang talent na si Awra Briguela.
Nilinaw na rin niya ang mga naglabasang mga isyu kung saan nagresign na umano siya bilang talent manager nito dahil sa pakikipagrambulan nito sa isang bar sa Makati, City.
Ayon kay Vice Ganda, hindi umano niya bibitawan si Awra Briguela na kanyang anak-anakan sa panahong ito kung saan siya labis na kailangan.
Nagulat din umano si Vice Ganda kung saan nagsimula ang balitang hindi na siya ang talent manager ni Awra o nagresign na siya bilang talent manager nito dahil wala naman umanong nagtanong sa kanya hinggil dito.
Ayon pa kay Vice Ganda, pinagpahinga lang muna niya sa ngayon si Awra dahil hindi rin biro ang pinagdaanan nito sa bar at sa pagkakakulong nito.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Vice Ganda na talagang nagalit siya at labis na pinagalitan si Awra Briguela dahil sa ginawa nito.
Gayunpaman, nanaig pa rin ang pagiging 'ina' niya sa kanyang anak-anakan kaya naman hindi pa rin niya ito iiwan at hindi iniwan sa kabila ng sakit sa ulo na ibinigay ni Awra sa kanya.
Matatandaan na naiulat noon na si Vice Ganda ang palihim na gumawa ng paraan para kaagad na makapagpyansa si Awra at makalabas sa kulungan.
Pinapatunayan ito dahil mismong personal assistant ni Ion Perez ang sumundo kay Awra mula sa Makati Police station.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!