Vice Ganda, Nainggit Sa Collab Vlog Ni Kim Chiu at Bossing Vic Sotto.

Miyerkules, Agosto 30, 2023

/ by Lovely


 Ikalawang araw pa lamang nang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel ang collab nila ni Bossing Vic Sotto.


Tila nainggit naman rito si Vice Ganda na hinihiling na makatrabaho rin o makasama rin sa iisang vlog si Bossing.


Sa unang pagkakataon, nakasama ni Kim Chiu si Vic Sotto sa iisang vlog. Si Kim Chiu rin ang kauna-unahang host sa It's Showtime na nakipag-collab kay Vic Sotto, na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na host sa dating katapat nilang Eat Bulaga.


Naging posible ang collaboration ng dalawa dahil pareho silang endorser ng courier service na LalaMove. Kaya naman, tila hindi ito pinalampas ni Kim Chiu at inaya niya sa isang vlog interview si Bossing.


Samantala, tila naiinggit naman rito si Vice Ganda dahil noon pa man sa kanyang mga nagdaang panayam sinasabi na niyang nais niyang makasama sa iisang project si Bossing.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento ng kanyang mga fans kung saan marami ang natuwa at na-excite sa posibilidad na ito.


Tiyak umanong papatok sa mga manonood ang magiging pelikula ng dalawa dahil sa kani-kanilang galing sa pagpapatawa.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring umaani ng mga views ang vlog nina Kim Chiu at Bossing Vic Sotto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo