Ginulat ng tinaguriang Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang mga fans at ang madlang pipol sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime ngayong araw ng myerkules August 16, 2023.
Matatandaan na ilang araw ring nawala sa It's Showtime si Vice Ganda dahil sa kanyang pagbabakasyon kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.
Magiging abala na rn umano ito dahil sa taping ng isang project na ipapalabas sa online video streaming app na Amazon.
Samantala, sa muling pagbabalik ni Vice Ganda sa It's Showtime, tila may pasalubong din itong pagpaparinig sa MTRCB chairperson na si Lala Sotto.
Isa kasi sa mga naiisyung dahilan kung bakit napapadalas ang pagkawala ni Vice Ganda sa It's Showtime ay dahil sa natanggap nilang Notice to Appear and Testify matapos mag viral ang cake icing eating nila ng kanyang partner na si Ion Perez.
Nagviral ang nasabing scene nina Vice Ganda at Ion Perez at lalong lumaki ang isyu dahil na rin sa pakikisawsaw ng motivational speaker na si Rendon Labador.
Kaya naman, iniisip ng ilang mga netizens na ang totoong dahilan kung bakit napapadalas ang pagbabakasyon ni Vice at ang kanyang pag-absent sa It's Showtime ay dahil suspended umano ito dahil sa pag-alma ng MTRCB sa kanilang ginawa ni Ion Perez.
Matatandaan na sa isang panayam, ipinahayag ni Lala Sotto na hindi na niya maaring palampasin ang violation na ito ni Vice Ganda dahil ilang beses na umano nilang pinagpapasensyahan ang It's Showtime.
Samantala, sa naging segment ng Rampanalo, tila muling humirit si Vice Ganda laban sa MTRCB.
Napansin ni Vice Ganda na pangisi-ngisi si Ion Perez na may hawak na kahon, nang aktong bubuksan na ni Ion, humirit si Vice Ganda na tanggalin muna ni Ion ng dahan-dahan ang kanyang suot na shades.
Agad naman itong sinunod ni Ion habang malagkit na tumitingin kay Vice. Hirit muli ni Vice, "My god, it's legal."
Ayon sa mga netizens, patutsada umano ito ni Vice Ganda para sa MTRCB dahil sa pananaway nito at sa pagbibigay umano ng malisya sa pagkain nila ng cake icing gamit ang mga daliri.
Natawa lang naman ang iba pang It's Showtime host at mga madlang pipol dahil sa eksenang ito nina Vice Ganda at Ion Perez.
Ayon sa ilang mga netizens, halata naman umano kung sino ang sinasabihan ni Vice Ganda nag, 'it's legal'. Ito ay walang iba kundi ang MTRCB chairperson na si Lala Sotto.
Matatandaan na pinuna ng MTRCB ang kanilang paglalambingan ni Ion Perez dahil indecent acts umano ito. Hindi rin umano ito nararapat na gawin sa harap ng mga bata.
Subalit, sinabi ni Lala Sotto na walang mali sa ginawa ng kanyang mga magulang sa E.A.T, dahil legal umanong mag-asawa ang mga ito.
Matatandaan na pinuna rin noon ng ilang mga It's Showtime fans ang ginawa nina Tito Sotto at Helen Gamboa na paghahalikan sa E.A.T dahil nakalive din sila at nakikita ng mga batang hosts at mga batang manonood.
Subalit, dinipensahan ito ni Lala Sotto kung saan ipinagdiinan niyang walang mali sa ginawa ng mga magulang dahil normal lamang umano itong gawin ng mag-asawa at sana'y na siyang nakikitang ganito ang kanyang mga magulang na nagsasama nang mahigit 44 years.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!