Kumpiramado na na si Vice Ganda ang bagong ambassador ng Shopee Philippines.
Sa naganap na kick off para sa Shopee 9.9 campaign, opisyal nang pinakilala na si Vice Ganda bilang bagong mukha ng nasabing e-commerce platform.
Nagbiro pa ang Unkabogable Star na nalungkot pa umano siya kung bakit ngayon lamang siya tinawagan at kinuha ng Shopee.
“I was kind of sad. Why? Because I realized and I asked myself, Shopee, what took you so long? Charot. Of course I was very happy, napatalon ako sa tuwa,” saad ni Vice Ganda.
Ipinagdiinan din niya na 'no brainer' ang kanyang pagtanggap sa offer ng Shopee dahil pareho lang naman umano sila ng ng goal, ang makapagbigay ng saya sa lahat.
“Lalo na nung pandemic, ang daming taong sinama nila sa survival nila. Andaming nabigyan ng trabaho, andaming nabigyan ng serbisyo, andaming napasaya ng Shopee. E yun din naman ang gusto ko, dumami ang mapapasaya ko.”
Naniniwala din naman ang Shopee PH’s Head of Business Intelligence na si Martin Yu na magiging effective si Vice Ganda bilang ambassador ng Shopee dahil sa tagkay nitong energy at universal appeal.
Samantala, hindi naman naiwasang mabuksan muli ang pagiging ambassador ng Shopee noon ni Toni Gonzaga. Matatandaan na maraming mga online shoppers ang tumalikod sa nasabing brand dahil sa disgusto nila kay Toni Gonzaga.
Taliwas sa nasabing pangyayari, marami sa mga kakampinks at fans ni Vice Ganda ang nagkukumahog sa pagdownload ngayon sa application na Shopee bilang pagsuporta kay Vice Ganda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!