Vice Ganda May Irereveal Na Bagong Blessing

Miyerkules, Agosto 23, 2023

/ by Lovely


 Marami ang natuwa na sa kabila ng samu't-saring kontrobersiyang kinakaharap ng Unkabogable Star na si Vice Ganda bumubuhos pa rin sa kanya ang mga blessings.


Kamakailan lamang ay nakatanggap ng labis na pambabatikos sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa ginawa nilang pagkain sa cake icing sa isang segment ng It's Showtime.


Humantong pa ito sa pagpapatawag ng MTRCB sa production company ng It's Showtime dahil marami ang nagreklamo na indecent na pinaggagawa nina Ion at Vice Ganda.


Subalit, sa kabila ng pambabatikos, bumubuhos pa rin ang mga blessings kay Vice.


Kamakailan lamang ay may inilabas na teaser video kung saan tila magiging isang ambassador ng isang malaking brand.


Bagama't hindi pa inanunsyo ng Shopee na si Vice Ganda ang kanilang napili bilang bagong ambassador marami ang nagsasabing ito na nga dahil base sa video.


Samantala, kamakailan lamang, ay isiniwalat ni Vice Ganda na nasangkot siya sa isang aksidente kung saan inararo ng LalaMove truck ang kanyang sasakyan kasama ang tatlo pang mga sasakyan.


Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa nasabing aksidente.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo