Naglabas na ng ilang mga pahayag si Vice Ganda sa August 1 episode ng It’s Showtime, na pinaniniwalaang tugon niya sa isyung kinakaharap nila ngayon ni Ion Perez na naging dahilan ng pagpapatawag sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kasama ng ilang mga production staffs para magpaliwanag at magtestify na hindi sila dapat maparusahan.
Sa segment na 'Rampanalo' inihayag ni Vice Ganda ang kanyang saloobin sa kinakaharap nilang isyu na maari pang makaapekto sa kabuuang show at sa mga kasamahan nilang hosts.
“Kayo na ang magagaling. Kami na ang masama,” pahayag ni Vice Ganda.
Agad namang sinabi ni Kim Chiu ang background ng isa sa kanilang contestant.
“Ang babait pala ng mga anak mo. Sana pala yung mga anak mo ang pinag-host mo ng Isip Bata,” saad ni Vice Ganda.
Agad namang umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang mga pahayag ni Vice Ganda na tila kasagutan umano niya sa mga natatanggap nilang pambabatikos mula sa mga netizens at sa pahayag mula sa MTRCB.
“Showtime gogogogo Ang masama ung nag isip Ng masama sa kapwa Sila ung masama.”
“Bahala nga kayo dyan. Basta ako nanonood ng IT’S SHOWTIME; dito ako masaya at nawawala ang lungkot ko pag nagbibiro na sila Showtime family.”
"Maging responsable, 'yun lang naman 'yun. Walang masama sa pagmamahalan pero gawin niyo yan na nasa tamang lugar. Hindi yung naka-ere kayo tapos may mga bata a sa tabi niyo, maling-mali naman 'yun."
“Oo na, kami na MASAMAA” hahahahahhahaha
— 𝙺𝙸𝙼𝙼𝚈🌷 (@foreverponyvg3) August 1, 2023
credits to abs-cbn it’s showtime
[no copyright infringement intended]#ViceGanda | Vice Ganda pic.twitter.com/xTqh0qwnHV
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!