Vice Ganda Binigyan Na Ng Chicharon Si Janice De Belen Sa It's Showtime!

Biyernes, Agosto 25, 2023

/ by Lovely


Kinatuwaan ng madlang pipol ang latest episode ng It's Showtime kung saan may naganap na aktingan sa pagitan nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Janice De Belen.


Matatandaan na ibinalik na ang Drama ng Tanghalan sa It's Showtime na labis na ikinatuwa ng mga Madlang Pipol. 


Sa kamakailang episode ng show marami ang nasiyahan dahil naging special guest nila ang aktres na si Janice De Belen.


Sa pagpasok pa lamang ni Janice sa stage ay naghiyawan na ang mga madlang pipol dahil na rin sa hype sa pagitan nina Janice De Belen.


Matatandaan na nagviral ang video clip kung saan makikitang hindi napansin ni Vice na kukuha pala sana si Janice sa hawak niyang chicharon na tila ikinapahiya ng aktres.


May nakakatuwa pa silang sagutan sa isang social media post kung saan tila pinagbabantaan niya si Vice Ganda dahil sa ginawa nito sa kanya.


Kaya naman, naging props sa aktingan nina Vice Ganda at Janice De Belen ang chicharon. Dahil dito, tawang-tawa ang mga netizens at napuno ng goodvibes ang show.


Ginaya din kasi nila ang viral scene nina Janice De Belen at Janine Gutierrez sa Dirty Linen.


Sa huli, nilinaw naman nina Vice Ganda at Janice De Belen na walang isyu sa pagitan nila at ginagawa lamang nila ito para aliwin ang madlang pipol.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo