Vic Sotto Napasigaw Sa Tuwa Sa Gender Reveal Ng Pangalawang Anak Nila Ni Pauleen Luna!

Miyerkules, Agosto 9, 2023

/ by Lovely


 Naghatid ng tuwa sa mga fans nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang ibinahaging video ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang isinagawa nilang gender reveal party para sa kanilang ikalawang anak ni Bossing Vic Soto.


Kinunan ang special na okasyon na ito ng Niceprint Photography kung saan makikita ang saya nina Vic Sotto at Pauleen Luna habang hinihintay kung anong team ang mananalo sa Sumo Boxing.


Makikita pa sa video ang pagtaas ng kamay ni Vic Sotto nang manalo ang team Girl at pumutok ang party poppers lamang ang pink confetti.


"We are having a..... 💘


"Thank you again fam for giving us this baby shower, thank you for celebrating life with us! God knows we've been praying for this for a long time, so thank you for celebrating with us! Thank you @danicaspingris and Mama @joywsotto for fixing everything (all we had to do was go to the garden) 🥹Thank you Lord!


"This gender reveal was soooo fun and so creative, I still can't get over it," caption ni Pauleen sa kanyang Instagram post. 


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanilang mga tagahanga at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.


"Iisa lng talaga Sotto boy n Bossing Vic at c OYO lng un"


"God bless you Sotto clan😍 sobrang nakaka bless and inspire po ang God’s love na nagmamanifest sa family ninyo"


"Hahahahahahaha! Cute!!!!!!! Congratulations Bossing and Poleng"


Sina Pauleen Luna at Vic Sotto ay simulang nagdate noong 2011, subalit taong 2013 na nila ito inamin sa publiko. September 2015 naman ng isiniwalat nila ang kanilang engagement at noong January 2016 ikinasal sina Pauleen Luna at Vic Sotto.


Marami ang napataas ang kilay noon sa pagpapakasal ni Pauleen kay Vic Sotto. Marami pa ang nagdududa na pera lamang ang habol ni Pauleen dahil sa kanilang malaking age gap.


Gayunpaman, hindi nagkulang si Pauleen sa pagpapakita ng totoong pagmamahal niya kay Vic Sotto kaya naman marami ang napahanga ngayon sa kanya.


Pinatunayan lamang ni Pauleen na 'age is just a number' sa larangan ng pagmamahal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo