Valedictorian Na Contestant Sa E.A.T Harap Harapang Sinopla Si Tito Sotto!

Linggo, Agosto 13, 2023

/ by Lovely


 Viral ngayon sa social media ang naging pahayag ng isang contestant sa segment ng E.A.T, pinapatamaan nga ba nito si Tito Sotto?


Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms at ilang mga entertainment sites ang naging pahayag ng isang contestant sa segment na Babala, Wag Kayong Ganun, kung saan ipinahayag ng isang Valedictorian mula sa University of Philippines na mag-aartista muna siya bago pasukin ang politika.


Sa nasabing segment, tinanong si Val ng ilang mga host ng show kung ano ang kanyang balak na pasuking trabaho in the future.


"Kasi Public Administration ang course eh, are you gonna go in politics?" pagtatanong ng host na si Ryan Agoncillo.


Agad naman itong sinagot ni Val, "Parang gusto ko nalang mag-artista, tapos 'pag sumikat ako, tumakbo na ako sa politics."


Matapos ang pahayag na ito ni Val, iniintriga ng ilang mga netizens ang reaksyon ni Vic Sotto. Nahagip kasi ng kamera ang reaksyon nito na tila ba pasekretong sinulyapan ang kanyang kapatid na si Tito Sotto sa gilid, sabay pagbuntong hininga.


Hinuha ng ilang mga netizens na natamaan ito para sa kanyang kapatid sa naging pahayag ng kanilang contestant.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinasok muna ni Tito Sotto ang larangan ng pag-aartista at pagiging host bago pa pinasok nito ang politika kung saan nahalal ito bilang Senador ng bansa.


Kaya naman, tiyak umanong isa ito sa mga nasapol sa pahayag ni Val.


Samantala, marami rin ang nang-iintriga kay Val at hayagan pang napapatanong ang ilang kung sinadya nga ba nito na patamaan si Tito Sotto sa kanyang naging pahayag dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na nauna itong naging artista kaysa sa pagiging politiko.


Kaya naman, sa isang social media post, nilinaw ni Val na wala siyang intensyon na patamaan at ma-offend si Tito Sotto. Sa katunayan ay nagkausap pa umano sila sa personal matapos ang show.


Nilinaw din ni Val, ganoon naman talaga ang kadalasang nangyayari dahil kinailangan muna siyang makilala ng mga tao upang may bumuto naman sa kanya.


"ay hindi naman po. after the show kinausap po ako ni tito sen. ☺️ genuine po yung plan ko na mag-artista kasi kung papasok ako agad sa politics, di naman ako kilala, wala rin akong makinarya. so matatalo lang. mindset ba mindset."


Sa kabilang banda, hindi lang naman si Tito Sotto ang politikong dumaan muna sa pag-aartista bago tumakbo. Nagiging kasanayan na sa ibang tao na kung sino ang sikat at kilala ay siyang iboboto gayung ang iba naman ay walang kapasidad para mamuno sa bansa.


Kaya naman, marami sa mga netizens ang nagsasabing tila isang eye opener ang naging pahayag ni Val, lalo na't may mga Pilipino naman talaga na binuboto ang kandidato dahil sikat ito at iniidolo ng karamihan sa larangan ng pag-arte.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo