Tunay Na Rason Ni Carla Sa Pagalis, Dahil Ba Kay Tom Na Magbabalik Bansa Para Gumawa Ng Serye

Huwebes, Agosto 24, 2023

/ by Lovely


 Tila magbabalik na sa bansa at sa GMA7 ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos ang ilang buwan na pananatili nito sa Amerika matapos ang hiwalayan nila ng aktres na si Carla Abellana.


Magbabalik na umano sa bansa si Tom Rodriguez dahil may active contract pa ito sa GMA7. Tila bibida na umanong muli si Tom Rodriguez sa isang teleserye.


Samantala, marami naman ang agad na nakapansin sa paglipat ng talent agency ng dating asawa ni Tom Rodriguez na si Carla Abellana. Kaya naman, bagama't wala pang kumpirmasyon mula sa aktor kung talaga bang babalik na ito sa Pilipinas, sinabi ng mga netizen na tiyak na ito dahil nga sa ginawang desisyon ni Carla.


Sa ngayon ay nasa AAA talent management na si Carla Abellana, base na rin sa mababasa sa kanyang Instagram account bio.


Matatandaan na nasa iisang talent management noon sina Carla  Abellana at Tom Rodriguez sa ilalim ng pangangalaga ni Popoy Caritativo.


Samantala, ayon naman sa ilang mga netizens, na naiintindihan naman nila ang desisyon ni Carla Abellana na umiwas na sa aktor dahil sa pinagdaanan nito noon.


Matatandaan pa na sa isang panayam naging emosyunal si Carla Abellana matapos aminin ang naging dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakipaghiwalay kay Tom Rodriguez.


Ayon kay Carla, hindi na niya kinaya ang mga ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez dahil sumusubra na ito.


Naghiwalay sina Carla Abellana at Tom Rodriguez tatlong buwan matapos ang kanilang pagpapakasal.


Marami ang nagulat sa kanilang desisyon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tumagal ang kanilang relasyon bilang girlfriend/boyfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo