Tunay Na Dahilan Kaya Tumiwalag Si Vice Ganda Bilang Manager Ni Awra Briguela

Martes, Agosto 22, 2023

/ by Lovely


 Awra Briguela tuluyan nang binitawan ni Vice Ganda bilang manager. 


Kamakailan lang ay nagviral ang Kapamilya actor na si Awra Briguela dahil sa gulong kinasangkutan niya sa isang bar sa Poblacion, Makati. Nakulong si Awra ng ilang araw si Awra matapos sampahan ng patong-patong na kaso ng kanyang mga nakarambulan. Agad naman itong nakalaya matapos makapagpyansa.


Samantala, usap-usapan ngayon na umano'y nagresign na bilang manager ni Awra Briguela ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kaya hindi na ito nagbibigay ng pahayag.


Ito ay kasunod ng mga gulong kinasangkutan ng mas nakababatang komedyante. Ayon sa mga sources, napagdesisyunan ni Vice na bitiwan na si Awra dahil hindi na nito kaya pang tutukan ang karera ng aktor, dahil maging siya ay abala rin sa kanyang mga showbiz commitment. 


Bukod dito, meron ding personal na suliranin na kinahaharap sa ngayon si Vice Ganda at isa na nga rito ay yung pagpapatwag ng MTRCB kaugnay ng noontime show nila na It's Showtime. 


Subalit, hinuha ng ilang mga netziens, disappointed lang daw talaga si Vice sa mga nagawang gusot ni Awra noong nakaraang pagkakakulong nito. 


Bagaman si Vice ang nag-asikaso ng paMpyansa nito kaya agad itong nakalabas ng kulungan, hindi na umano magagawa pa na tulungan si Awra matapos yun, lalo at may iba pang mga kaso na panibagong isinampa sa RITO kaugnay pa rin sa gulong nangyari sa bar. 


Isa pa hindi rin nagustuhan ni Vice ang pagsisinungaling ni Awra sa ama nito. Kung saan sinabi nitong nakatira siya sa bahay niya bilang manager. Tila umiiwas si Vice sa iba pang mga gulo na maaring kasangkutan ni Awra, dahil tila batid nito na medyo matigas ang ulo ng dating alaga. 


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si awra hinggil sa mga pangyayari, maging sa kanyang mga social media accounts ay tahimik pa rin ang aktor. 


Umayon naman si Cristy Fermin, sa ginawa ni Vice, dahil ito ay bilang pagtuturo ng leksyon sa batang aktor na pahalagahan ang trabaho at iwasan ang maging pasaway sa lipunan lalo at siya ay nagiging ehemplo ng mga kabataan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo