Toni Gonzaga Nanganak Na! Welcome to the World Baby Paulina Celestine Gonzaga Soriano

Biyernes, Agosto 11, 2023

/ by Lovely


 Ligtas at malusog na isinilang ng Tv-host-actress na si Toni Gonzaga ang kanilang pangalawang anak ng kanyang asawa na si Direk Paul Soriano.


Masayang ibinahagi ni Direk Paul Soriano na ligtas na isinilang ng kanyang mises na si Toni Gonzaga ang kanilang second baby na pinangalanan nilang Paulina Celistine Gonzaga.


Isinilang umano ni Toni Gonzaga si Baby Paulina nitong August 11, 2023 kaninang 2:05 ng hapon. Nakasaad din sa ibinahaging update ni Paul Soriano na maayos naman ang kalagayan ng kanyang mag-ina.


“Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived! Born 2:05pm on August 11, 2023 at 6.8 lbs,” masayang pagsisiwalat ni Direk Paul Soriano.


“Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support. God bless you,” dagdag pa ni Paul Soriano.


Nagbahagi rin si Paul Soriano ng video kung saan makikitang karga-karga ni Toni Gonzaga ang kanilang anak.


“Mommy @celestinegonzaga with Paulina Celestine #BabyGirl #GirlDad #GodisGood,” caption nito sa kanyang post.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanilang mga fans. Marami rin ang natuwa dahil kaagad na binahagi ng dalawa ang panganganak ni Toni.


Si Toni Gonzaga ay isang sikat na artista, TV Host, atYoutube star sa Pilipinas. Ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano noong June 12, 2015, sa Taytay, Rizal. Ipinanganak noon ni Toni ang kanilang unang anak na si Severiano Elliott na mas kilala bilang Seve, noong September 30, 2016.


Ikinatuwa ng kanilang mga tagasuporta ni Paul Soriano ang balitang nagbubuntis sa ikalawang pagkakataon si Toni Gonzaga. Ito'y sa gitna ng natatanggap nitong pambabatikos matapos matigil ang kanyang show sa AllTV at matapos ang kanyang kontrobersyal na 20th Anniversary concert noong January 20, 2023.


Sa isang heartwarming Instagram post, isiniwalat ni Toni ang kanyang magandang baby shower. 


Ang selebrasyon ay dinaluhan ng ilang kilalang personalidad at dinaluhan ng presensya ng mapagmahal na asawa ni Toni na si Paul Soriano, at ang kanilang panganay na anak na si Seve. Sa mga dumalo, naroon din ang mga kapamilya ni Toni, kabilang ang kapatid niyang si Alex Gonzaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo