Nagbigay ng tila pasaring si Tito Sotto para kay Paolo Contis, matapos nitong umalma sa pagtawag sa kanila ng ilang mga netizens bilang Fake Bulaga.
Matatandaan na noong 44th anniversary ng Eat Bulaga sa GMA7, inamin ng mga panibagong hosts, lalong-lalo na ni Paolo Contis na nasasaktan na sila sa pagtawag sa kanila bilang Fake Bulaga.
Tinatawg na Fake Bulaga ngayon ang noontime show na Eat Bulaga sa GMA7 dahil naniniwala ang karamihan na ang TVJ lamang ang maituturing na legit.
Samantala, sinagot na ni Tito Sotto si Paolo Contis at tila idenitalye niya kung bakit maituturing na peke ang mga pumalit sa kanila na mga hosts ng Eat Bulaga.
Ayon kay Tito Sotto, niloloko umano nina Paolo Contis ang mga tao dahil hanggang ngayon ay ginagamit pa rin nila ang pamagat ng Eat Bulaga sa kabila ng kaalaman na ang TVJ naman umano ang totoong nagmamay-ari ng Eat Bulaga.
Tinawag din ni Tito Sotto na walang mga originality ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga dahil ginagaya lamang umano ng mga ito ang ginagawa nila noong sila pa ang main hosts ng Eat Bulaga.
Matatandaan na naging hosts ng Eat Bulaga sa loob ng mahigit 40 years ang TVJ kaya naman maituturing na silang pundasyon ng show.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!