Tito Sotto Maanghang na Binanatan Ang TAPE Inc. Sa Kanilang Trademark Renewal

Miyerkules, Agosto 9, 2023

/ by Lovely


Agad na naglabas ng maanghang na banat ang dating Senate President na si Tito Sotto sa natanggap na Certificate of Renewal of Registration ng TAPE Inc. sa trademark ng pinag-aagawan nilang Eat Bulaga.


Ayon kay Tito Sotto, hindi pa rin sila matitinag kahit nasa TAPE Inc. na ang trademark ng Eat Bulaga dahil tiyak naman umanong makukuha nila ang copyright ng Eat Bulaga.


"Magsawa sila sa trademark, basta amin ang copyright," saad ni Tito Sotto.


Matatandaan na nitong sabado August 5, 2023, nagviral sa social media ang ibinahaging Certificate of Renewal of Registration ng TAPE Inc. mula Intellectual Property Office.


Nakasaad rito na extended ng sampung taon ang trademark na hawak ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga.


Sa kabilang banda, ongoing pa rin ang mga hearing sa kasong Copyright Infringement at Unfair Competition na isinampa ng TVJ sa TAPE Inc. at sa GMA7.


Ito ay may kaugnayan sa pagpapalabas nila ng mga replay episodes ng Eat Bulaga matapos ang kanilang pagreresign noong May 31, 2023.


Matatandaan na nag-mass resign ang mga hosts ng Eat Bulaga noong May 31, 2023 nang pinigilan umano sila ng TAPE Inc. na makapag ere ng live.


Sa ngayon ay nakahanap na ng panibagong tahanan ang TVJ sa TV5, kasalukuyan na ring umiere ang kanilang show rito na pansamantalang may pamagat na E.A.T habang dinidinig pa ang kasong isinampa nila sa TAPE Inc. para mabawi ang Eat Bulaga.


Samantala, lalo namang nainis ang mga tagasuporta ng TVJ na naniniwala ring dapat ang TVJ talaga ang magmamay-ari ng Eat Bulaga dahil sila naman umano ang nagpasikat sa nasabing show sa loob ng mahigit apat na dekada.


Patuloy pa ring naniniwala ang mga netizens na dapat nang palitan ng TAPE Inc. ang pamagat ng kanilang show dahil alam naman umano mismo nila na hindi sila ang nagmamay-ari sa Eat Bulaga at sa mga naunang episodes nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo