Isiniwalat ni Manay Cristy Fermin sa kamakailang episode ng kanyang Showbiz Now Na vlog ang nakarating sa kanilang balita patungkol sa pagkakaaresto ng CEO ng Careless Management na si Jeffrey Oh.
Ayon kay Manay Cristy Fermin, ang nagreklamo umano kaya naaresto si Jeffrey Oh ay walang iba kundi ang mismong ama ng kanyang business partner na si James Reid.
“Ipinahuli ng mismong tatay ni James Reid itong si Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless. Ito po ay naganap sa Poblacion, Makati noong nakaraang linggo po. Naganap at nakunan po ito ng GMA 7 hindi lang po ipinalabas dahil i-inquest pa siya,” saad ni Cristy Fermin.
Isinalaysay pa ni Manay Cristy Fermin kung paano nahuli si Jeffrey Oh. Bigla na lamang umanong nagpunta ang mga tauhan ng Bureau of Immigration and Deportation sa opisina nina Jeffrey Oh habang nakikipag-meeting siya at doon siya hiningan ng mga papeles.
Wala naman umanong naibigay si Jeffrey Oh kaya tuluyan siyang naaresto.
“Nakikipag-meeting po itong si Jeffrey Oh nang dumating ang mga tauhan ng BID, hiningan po siya ng mga papeles, hiningan siya ng SEC registration, wala!”
“At wala rin po siyang karapatang mag-business dito sa Pilipinas dahil wala siyang mga dokumento,” dagdag pa ni Manay Cristy Fermin.
Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na mismong ama ni James Reid ang nagreklamo kay Jeffrey Oh dahil hindi umano nito naibalik ang perang napag-usapan nila bilang mga business partners sa negosyo.
Samantala, tila pinagbibintangan pa ni Manay Cristy Fermin si Jeffrey Oh na siyang may pakana sa kontrobersyal na rebrandin ni Liza Soberano.
“Ang lakas ng loob niya na pumunta rito sa Pilipinas at tuturuan si Liza ng kung ano-ano ang sasabihin nito sa kaniyang mga kapanayam, eh wala naman pala siyang karapatang mag-business dito dahil dayuhan siya.”
Binasa rin ni Cristy Fermin ang isang pahayag mula kay BI Commissioner Norman Tansingco.
“Immigration agents arrested the 34-year-old American in Poblacion, Makati after reportedly engaging in gainful employment without the necessary work permit, in violation of Philippine immigration laws.”
“A complaint lodged with the BI reported the American to have presented himself as the CEO of a Manila-based company, as well as the owner of several restaurants, without acquiring the necessary visas or permits.”
“He will be facing a deportation charge and will remain in the BI’s facility in Bicutan, Taguig during the proceedings.”
Sakabilang banda, patuloy pa ring nanahimik sina James Reid at Liza Soberano sa isyung kinasasangkutan ni Jeffrey Oh.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!