Talagang ganap na ganap ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang kanyang role sa Senior High dahil nagpagupit pa siya ng kanyang buhok.
Sa kabila nito, bumagay naman ito kay Sylvia dahil ginagampanan niya ang papel ng isang security guard.
Ang ginagampanan niya ngayong papel ay naiiba sa kanyang nakasanayan na sa mundo ng showbiz, gayunpaman, pinatunayan ni Sylvia ang kanyang galing dahil maayos niyang na-portray ang karakter.
Samantala, makakasama ni Sylvia Sanchez ang kanyang mga anak rito na sina Ria Atayde at Gela Atayde. Kasama rin nila sa nasabing serye ang aktres na si Andrea Brillantes at iba pang mga young actress.
Sa kabilang banda, mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Sylvia Sanchez patungko sa ganda ng aktres na si Andrea Brillantes.
Base sa naging pahayag ni Sylvia, sinasabi niyang mas maganda at magaling si Andrea Brillantes sa mga kasabayan nitong mga actress lalong-lalo na kay Francine Diaz.
Agad itong umani ng reaksyon mula sa mga fans ng aktres na si Francine Diaz dahil hindi umano maganda na kinukumpara ang dalawang artista at tila ba ipinapalabas na magkaribal sila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!