Slyvia Sanchez Ikinumpara Si Andrea Brillantes Kay Francine Diaz

Lunes, Agosto 28, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang naging pahayag ng batikang aktres na si Sylvia Snachez patungkol sa mga batang actress na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.


Marami ang nakapansin na tila kinumpara ni Sylvia Sanchez si Francine Diaz kay Andrea Brillantes para palakasin ang loob ng huli.


"Kapag mayroong nagsabi sa'yo na pangit ka, hindi ka magaling umarte. Ako ang magsasabi sa kanila diretso," saad ni Sylvia Sanchez.


Ibinahagi rin ni Sylvia na palagi umanong sinasabi ni Andrea sa kanya na hindi ito nagagandahan sa kanyang sarili, palagi naman umano niya itong kinukuntra at sinasabing maganda ito.


Pahayag pa ni Sylvia Sanchez, "Nakasama ko yung mga batang iyon, mas maganda talaga si Andrea."


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at maging ng mga reporters na dumalo sa Senior High screening.


May mga napapatanong pa kung blind item ang naging pahayag ni Sylvia.


Marami naman sa mga fans ni Francine Diaz ang hindi natuwa sa naging pahayag ni Sylvia. Bagama't hindi naman umano pinangalanan ni Sylvia kung sino ang kanyang tinutukoy, malakas umano ang paniniwala nilang si Francine ito dahil nagkasama silang tatlo noon sa iisang teleserye.


Sa kabilang banda, tila nahihiya naman ang mga fans ni Andrea Brillantes sa inasal ni Sylvia Sanchez dahil hindi naman umano maganda na pinuri nga nito si Andrea ngunit tila may pinipintasan naman itong iba.


Maari naman umanong purihin nito si Andrea na hindi pinipintasan ang ibang mga artista na kasabayan ni Andrea.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo