Nagbigay na ng pahayag ang comedian na si Michael V. kung bakit pinili niyang maging guest sa It's Showtime kaysa sa Eat Bulaga ng mga Jalosjos.
Matapos makatanggap ng mga pambabatikos mula sa mga fans ng Eat Bulaga, nagbigay na ng pahayag si Michael V. kung bakit pumayag siyang maging guest host sa It's Showtime at hindi sa Eat Bulaga.
Matatandaan na umani ng sama ng loob mula sa mga hosts ng Eat Bulaga at TAPE Inc. ang paglabas ng ilang mga Kapuso Stars sa It's Showtime kaysa sa Eat Bulaga na main channel ng GMA.
Hindi rin nila alam kung bakit mas pinipili ng mga Kapuso Stars na ito na maging guest sa It's Showtime habang pilit naman silang tinatanggihan.
Nauna na ring naghimutok noon ang TAPE Inc. kung bakit mas pinipili umano ng mga artista mula sa GMA ang It's Showtime gayung hindi naman umano nakakatulong ang mga ito sa kanilang careers.
Sumama rin ang kanilang loob sa GMA dahil sa tila pagdadamot sa kanila ng mga artista taliwas sa ginagawa nito sa It's Showtime.
Lalo pang uminit ang isyu nang maging guest sa It's Showtime si Michael V. kung saan tahasan ng nagbigay ng pahayag at tila pasaring sina Paolo Contis at Betong Sumaya.
Kaya naman, nagbigay na ng pahayag si Michael V at nilinaw na niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya pumayag na maging guest sa Eat Bulaga.
Ayon kay Michael V. walang masama kung naging guest man siya sa It's Showtime dahil parte na ito ng GMA dahil nasa GTV na ito.
Malaki rin umano ang respeto niya sa TVJ kaya hindi niya kaya na tila traydorin ang mga ito sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga pumalit sa kanila bilang host ng It's Showtime.
Matatandaan na isa sa mga naging daan at nakatulong kay Michael V na maging tanyag sa showbiz ay ang TVJ dahil naging isa siya sa mga host noon ng Eat Bulaga.
Kaya naman, hindi umano niya magagawa na suportahan ang Eat Bulaga ngayong wala na roon ang TVJ.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!