Pura Luka Vega, sumagot na sa mga LGU na nagdeklara sa kanya bilang persona non-grata sa kani-kanilang lugar.
Sunod-sunod na idineklara bilang persona non-grata sa ilang mga lalawigan ng Pilipinas ang Drag Queen na si Pura Luka Vega kasunod ng kanyang kontrobersyal na drag performance kung saan ginaya niya si Jesukristo.
Bukod sa pagiging persona non-grata, kinakaharap din ngayon ng kontrobersyal na Drag Queen ang mga kaso mula sa dalawang Christian groups sa bansa na hindi nagustuhan ang pambabastos umano niya sa kantang 'Ama Namin'.
Sa kabila nito, patuloy pa rin nagpe-perform si Pura Luka Vega at tiula hindi apektado sa mga kinakaharap niyang kontrobersiya.
Sa kamakailang tweet ni Pura Luka Vega, ibinahagi niya ang kanyang performance kung saan inawit niya ang kanta ni Taylor Swift na 'Look What You Made Me Do' habang hawak niya ang kanyang portrait kung saan ginaya niya si Jesukristo.
"Persona non-grata tour," caption niya sa kanyang video.
Sa kasunod na video, tahasan niyang inaddress ang isyu.
"Gayunpaman do unto others as you would have them do unto you. Okay? Do not do to others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po yun."
May mga tila pasaring din siya sa mga lugar at lalawigan na nagdidiklara sa kanya bilang persona non-grata.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!