Hayagang inamin ng It's Showtime host na si Ryan Bang na marami siyang niligawang artista noon subalit lahat ay binasted lamang siya.
Kamakailan lamang ay naging guest sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 na Fast Talk with Boy Abunda si Ryan Bang kung saan na kasama rin niya ang kapwa It's Showtime host na si Jhong Hilario.
Kabilang sa mga naitanong ni Boy Abunda sa kanya ay kung may nambasted na ba sa kanyang artista.
Ayon kay Ryan Bang, marami siyang pinormahan noon na mga babaeng artista subalit wala umanong nagkakagusto sa kanyang maski isa.
“Artistang nambasted sa ‘yo?” tanong ni Tito Boy.
Agad namang sagot ni Ryan Bang, “Ay! Ang dami nila! Magsisi kayo, ang dami niyo!”
Pagbibiro pa ni Ryan na sa dami ng mga nambasted sa kanya ay maari nang gumawa ng GC ang mga ito.
“Gumawa kayo ng group chat.”
Matatandaan na inamin na rin noon ni Ryan Bang na nililigawan niya noon ang singer na si Yeng Constantino. Pero hindi sila naging mag jowa dahil sa misunderstanding.
Sa ngayon ay kasalukuyang may girlfriend na si Ryan Bang na naipakilala na niya sa kanyang mga magulang. Nakilala niya ang kanyang non-showbiz girlfriend sa pamamagitan ng FaceTime.
Sa kabilang banda, inamin rin ni Ryan Bang na balak niyang manatili habangbuhay sa Pilipinas kasama ng kanyang Filipina Girl.
“I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina.”
Pagpapaliwanag pa ni Ryan Bang, “Kasi mahal na mahal ko ang Pilipinas. ‘Yung ugali ko, Pilipinas, tsaka gusto kong bumaha ‘yung pagmamahal nila sa akin.”
“Gusto ko, nagpe-pray ako gabi-gabi kay Lord, kay Jesus Christ na ‘Lord gamitin niyo po ako, dati kasi gusto kong magpasaya ng mga Pilipino. Ngayon gusto ko maraming maraming Pilipino ‘yumaman dahil sa akin,” sabi pa niya.
“Hindi lang trabaho, gusto ko kapag may chance, basta marami ang yumaman dahil sa akin, ‘yun ‘yung pine-pray ko kay Lord. Lahat ng Pilipino.
“Kasi ‘yung binibigay nilang pagmamahal sa akin, ‘yun ang ipambabawi ko sa mga kababayan nating mga Pilipino.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!