Ruffa Gutierrez Nagsalita Na Hinggil sa Isyung Nagkabalikan Sila Ni Yilmaz Bektas at Nagpakasal Muli?

Martes, Agosto 8, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang isyung nagkabalikan na umano ang dating mag-asawa na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.


Muli rin umanong nagpakasal ang mga ito, isang secret civil wedding ang naganap. Kasunod nito, binilhan pa umano ni Yilmaz Bektas ng isang mamahaling bahay si Ruffa sa Makati.


Hanggang ngayon ay may mga fans pa rin si Ruffa Gutierrez na tila hindi pa rin maka-get over sa naudlot na pagmamahalan noon nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Kaya naman may mga fans pa rin na iniisip na maari pa ring madugtungan ang pag-ibig ng dalawa.


Nag-umpisa ang lahat ng aminin mismo ni Ruffa Gutierrez sa isang panayam na nag-uusap na umano sila ngayon ni Yilmaz. Inamin rin ni Ruffa na napatawad na niya ito.


Lalo pang lumakas ang loob ng mga netizens nang maganap ang reunion ng mag-aama noong nakaraang taon matapos ang paghihiwalay ng mahigit 15 years.


Nagpunta sa Turkey ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice upang makipagkita muli sa kanilang ama after 15 years.


Isiniwalat din noon ni Ruffa na ilang beses nang nagbabalak na pupunta sa Pilipinas si Yilmas subalit palagi itong nauudlot.


Gayunpaman, nilinaw ni Ruffa Gutierrez na hindi na siya galit sa ama ng mga anak at may komunikasyon na rin umano sila.


Samantala, muli na namang kumakalat ngayon ang isyu mula sa ilang mga vloggers kung saan ginawan nilang kwento ang dalawa.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, may ilang mga vloggers na nagsasabing pasekreto umanong nagpunta sa bansa si Yilmaz. Muli rin umanong nanumbalik ang pagmamahalan ng dalawa.


Pasekreto umanong nagpa civil wedding ang mga ito, subalit magkakaroon naman ng bonggang kasalan sa Turkey. Bukod pa rito, binilhan umano ni Yilmaz ng mamahaling bahay si Ruffa sa isang exclusive subdivison sa Makati.


Dahil sa pagkalat ng balitang ito, ilang mga celebrity friends at maging fans ni Ruffa ang hayagang nagtatanong sa aktres kung may katotohanan nga ba ang mga haka-hakang ito.


Tawang-tawa naman si Ruffa dahil hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay ginagawan pa rin ng ilang mga tao ng kwento ang naudlot na love story nila ni Yilmaz Bektas. 


Nilinaw rin ni Ruffa na wala umanong katotohanan ang mga haka-hakang ito. Pawang kasinungalingan at mga gawa-gawa lamang umano ng ibang vloggers. 


Naloka rin si Ruffa Gutierrez dahil marami ang naniniwalang totoo ngang nagkabalikan sila ni Yilmaz na hanggang ngayon ay single pa rin umano.


Samantala, sinakyan na rin lang ni Ruffa at idinaan na lamang sa biro ang pagpapsalamat kay Yilmaz hinggil sa sinasabing mansion na ibinigay nito. 


Pero ang totoo, wala umanong ganun na nangyari, walang balikan na naganap sa pagitan nilang dalawa ni Yilmaz.


Samantala, kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Lorin ang kanyang 20th birthday kung saan nagkaroon sila ng simpleng dinner sa labas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo