Vice Ganda at Ion Perez, umalis muna ng Pilipinas matapos umanong masuspende dahil sa kanilang ginawa sa isang segment ng It's Showtime.
Matatandaan na nitong July 31, 2023 naglabas ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB sa production ng It's Showtime bukod pa kina Vice Ganda at Ion Perez.
Ito'y kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo mula sa ilang mga televiewers at mga netizens na umano'y nilabag nina Ion Perez at Vice Ganda ang Presidential Decree 1986 na nagbabawal sa pagpapakita ng indecent acts sa mga telebisyon.
Tila may resulta ang imbistigasyon ng MTRCB sa ginawa ng mag-asawang sina Ion Perez at Vice Ganda habang kumakain ng cake icing dahil makikita sa ibinahaging social media post ni Vice Ganda na paalis na sila ng bansa ni Ion Perez.
Caption ni Vice Ganda kalakip ng isang inlove at flying airplane emoji, "Labing-labing muna."
Makikita rin sa ibinahaging larawan ni Vice Ganda ang nakahanda nilang passports.
Samantala sa isang Instagram stories ni Ion Perez, ipinakita niya ang magkahawak-kamay nila ni Vice Ganda na tila pinapahiwatig na pinapalakas nila ang loob ng isa't-isa sa gitna ng kinakaharap na isyu.
Dahil sa pagbabahaging ito ng dalawa, marami ang nagsasabing tila naglabas na ng desisyon ang MTRCB kung saan sinuspendi na umano ang dalawang It's Showtime hosts.
Lumakas pa ang hinalang ito ng mga netizens dahil sa hindi pagpasok nina Vice Ganda at Ion Perez sa latest episode ng It's Showtime ngayong araw ng myerkules August 2, 2023.
Gayunpaman, hindi pa rin ito kumpirmado dahil hindi pa naglalabas ng pahayag ang It's Showtime management hinggil sa totoong dahilan nang pag-alis nina Vice Ganda at Ion Perez sa bansa.
Maging ang malalapit nilang mga kaibigan ay tila dedma lamang sa isyu.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!