Hindi nagustuhan ng self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang naging pahayag ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto na walang masama sa ginawa ng kanyang mga magulang sa E.A.T.
Ayon pa kay Lala Sotto, walang nilabag ang kanyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa paghahalikan at paglalambingan nila sa isang episode ng E.A.T.
Matatandaan na sinita ng social media personality na si Rendon Labador at iba pang netizens, ang “public display of affection” nina Tito Sotto at Helen Gamboa sa habang umeere ang noontime show na “E.A.T.” noong July 29, 2023.
Hiniling din ng ilang mga It's Showtime fans sa MTRCB na ipatawag sina Tito Sotto at Helen Gamboa, imbistigahan din umano ito kagaya sa ginawa nila sa It's Showtime at kina Ion Perez at Vice Ganda.
Subalit, sa isang panayam kamakailan kay Lala Sotto, naninindigang siyang walang ginawang masama ang kanyang mga magulang kaya naman hindi ito maaring ipatawag.
Bilang anak, kinasanayan na umano niya ang ginagawang paglalambingan ng kanyang mga magulang. Ipinunto rin niya na normal na lambingan lamang ng mag-asawa ang ginawa ng kanyang mga magulang sa E.A.T.
“Lumaki po kasi akong gano’n, na halos araw-araw ng buhay naming magkakapatid mapa sa telebisyon, maski saan. Mula po noong bata kami. They have been married for 55 years now.
“Nakarating din po sa’min na may konting mga reklamo na ako raw ay unfair, hindi patas, hindi ko raw pinapatawag E.A.T…”
“Wala pong dahilan para ipatawag ang E.A.T. dahil ‘di po sila deserving for a notice to appear.”
“Malinaw na walang anumang hindi angkop na nangyari sa binanggit na kilos ng aking mga magulang sa programang E.A.T. Wala rin po silang nilabag [na] gabay ng MTRCB kaya hindi po dapat bigyan ng Notice To Appear at hindi dapat ipatawag ang E.A.T.”
Samantala, hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga netizen at lalong-lalo na si Rendon Labador.
Ayon kay Rendon Labador, bilang isang public servant hindi dapat kumakampi si Lala Sotto at nagiging bias sa show na kinabibilangan ng kanyang mga magulang.
"Bilang public servant dapat palagi tayong maging patas! Hindi maganda na may pinapakita tayo na meron tayong kinikilingang panig. #LalaResign"
Sinang-ayunan naman ito ng ilang mga netizens at sinabing hindi umano nababagay si Lala Sotto na umupo bilang MTRCB chairperson dahil may mga kadugo ito sa industrya ng showbiz.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!