Tila lumiit na ang bansang Pilipinas para sa controversial Drag Queen na si Pura Luka Vega dahil sa mga kinakaharap nitong deklarasyon bilang persona non-grata sa ilang mga lalawigan ng Pilipinas at sa mga kinakaharap nitong kaso dahil sa kanyang Drag performance kung saan ginaya niya si Jesukristo sa saliw ng kantang 'Ama Namin'.
Naging mainit na usapin sa publiko ang ginawang performance ni Pura Luka Vega sa isang bar sa Makati kung saan sinuot niya ang costume ng Black Nazarene.
Ginamit din niya ang awiting Ama Namin o The Lord's Prayer para sa kanyang performance.
Kaagad itong inalmahan ng mga netizens lalong-lalo na ang mga Katoliko dahil pambabastos umano ito sa paniniwala ng mga Kristyano. Marami rin ang nanawagan noon kay Pura Luka Vega na burahin ang kanyang video.
Subalit, hindi nakinig ang Drag Queen at ipinunto pang walang masama sa kanyang performance dahil nagpapakita lamang umano siya sa kanyang art.
Bukod dito, nag-upload din siya ng iba pang video kung saan kabilang sa kanyang ginawa ay ang pagrate sa 'ostiya' at iba pang gawi habang naka suot ng kasuotan ni Hesukristo.
Hindi ito nagustuhan ng marami kaya naman, nitong August 10, umabot na sa limang lalawigan ang nagdeklara kay Pura Luka Vega bilang persona non-grata o unwelcome person.
Kabilang sa mga lalawigang ito ang Maynila, Bukidnon, Toboso Negros Occidental, General Santos City at Floridablanca sa Pampanga.
Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Pura Luka Vega na hindi niya maintindihan kung bakit dinideklara siya bilang persona non-grata sa ilang mga lalawigan sa bansa gayung nagpapakita lamang siya ng art.
Pinalagan ni Pura Luka Vega ang mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens at ang pagiging persona non-grata dahil wala naman umano siyang ginawang mali.
"Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me."
Samantala, bukod sa pagiging persona non-grata ni Pura Luka Vega sa ilang lalawigan ng bansa, kinakaharap din niya ang patong-patong na kaso na pinangunahan ng Philippine For Jesus Movement.
Ang Philippine for Jesus Movement ay isa coalition group ng mga Kristiyano sa Pilipinas.
Maging ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ay hindi rin pinalambas ang kontrobersiya na kinakaharap ng Drag Queen Performer na si Pura Luka Vega.
Agad siyang nagbigay ng reaksyon kung saan sinabi niyang nais niyang palayasin sa Pilipinas si Pura Luka Vega.
"Sumusobra ka na! Nakapag-decide na ako, I want Pura Luka Vega out of the Philippines now," pahayag ni Rendon Labador.
Samantala, sinegundahan naman kaagad ito ng ilang mga netizens at hiniling pa na sana ay ideklarang persona non-grata sa buong Pilipinas si Pura Luka Vega.
"Maganda niyang buong bansa persona non-grata na! walang respeto ang taong yan."
"Deserve niya po yan, parang wala siya religion para bastusin ang banal na awit ng mga katoliko."
"Yes Drag is an art. But when you perform it by imitating Jesus Christ, dancing in your funk tune of Ama Namin, it's way too offensive and disrespectful. This is a predominantly Catholic country. Talagang marami kang nasagasaanan sa ginawa mo. And now u want us to know you and not to judge you... PAANO?"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!