Muling nagbubunyi ang motivational speaker na si Rendon Labador matapos muling ibalik ng Facebook ang tinanggal na video kung saan tinawag niyang mga hayop sina Vice Ganda at Ion Perez matapos ang naging viral scene ng mga ito sa isang episode ng It's Showtime.
Matatandaan na isa si Rendon Labador sa mga naunang pumuna sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez na pagkain ng cake icing dahil may halo umano itong kalaswaan.
Hindi man lang umano iniisip nina Ion Perez at Vice Ganda na makikita sila ng lahat ng mga tao at may bata pa mismo sa kanilang harap dahil segment ito na pambata.
Ang video ay tinanggal ng Facebook dahil lumabag umano ito sa kanilang community standards.
Agad naman din itong inalmahan ni Rendon Labador at sinasabing hindi nararapat na tanggalin ng Facebook ang kanyang reaction video.
“Bakit ang mainstream pwede mag post ng kabastusan? Tapos yung pag sita at pag tatama ng mga mali ay pinipigilan? Facebook Philippines ano ang ngyayari sa Pilipinas?”
Matapos ang ilang araw ay muling naipublish ang nasabing video ni Rendon Labador kaya naman tila nagtagumpay nga ang kanyang ginawang appeal.
Matatandaan na nitong July 31 naglabas na ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB kung saan pinatawag nila ang production ng It's Showtime bukod kina Vice Ganda at Ion Perez upang ipaliwanag ang kanilang ginawa sa show.
Samantala, hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang MTRCB kung nasuspended na nga ba sina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa ngayon ay kasalukuyang nagbabakasyon sina Ion Perez at Vice Ganda para pahupain muna ang mainit na isyung ibinabato sa kanila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!