Tila binabalikan na umano ng karma ang social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador sa kanyang pambabanat at pakikisawsaw sa mga isyu ng mga sikat na artista.
Ayon sa latest update ni Rendon Labador sa kanyang social media account, ibinahagi niyang tuluyang na-ban ang kanyang Tiktok account.
"BURADO!!!❌❌❌ Binura na ni tiktok ang account ni Rendon Labador! 🤦♂️🤦♂️🤦♂️
"Mali ba ang pag boboses para sa bayan at i-expose ang mga katangahan ng mga tao? Pero yung mga content at tiktok account na puro kabastusan at kahayupan ay hinahayaan ninyo?"
Samantala, tila hindi naman doon natatapos ang karma kay Rendon Labador dahil bukod sa pagkaban sa kanyang TikTok account, nakatanggap rin siya ng warning mula sa Facebook.
Kung saan ipinabatid sa kanya na maari umanong tuluyan ring ma-ban ang kanyang Facebook page dahil sa mga violations na ginawa niya, paglabag sa Community Standards ng nasabing platform.
Makikita pa sa ibinahaging screenshot ni Rendon na may pitong posts siya na lumabag umano sa Community Standards ng Facebook.
Kaya naman, hindi mapigilan ni Rendon ang sarili na magrant dahil tila may personal umano na galit sa kanya ang mga social media platforms.
Inalmahan din ni Rendon Labador kung bakit ngayon lamang umano ibinigay ng Facebokk ang warning gayung noong August 5 pa siya lumabag.
Sa huli, tila hinamon pa ni Rendon ang Instagram aty Youtube na i-ban na rin siya kagaya ng pag ban sa kanya ng Tiktok at pagbibigay naman sa kanya ng warning ng Facebook.
Samantala, kumbinsido naman ang ilang mga netizens na talagang kinakarma na ngayon si Rendon Labador ng mga celebrities na binabatikos niya gamit ang kanyang Facebook at Tiktok account.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!