Rendon Labador, Binanatan Ang Pag-Flex Ni Ion Perez Sa Kanyang Abs!

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


    Talagang hindi magpapagapi si Rendon Labador pagdating sa okrayan at banatan online.


Matatandaan na kamakailan lamang pinasaringan siya ni Vice Ganda na ang kanyang abs ay produkto lamang ng steroids, habang ipini-flex ang abs ng asawang si Ion Perez.


“Ganoon! Oo! Ganoon ‘yung abs na walang steroids. Nakaka-toxic kasi ‘yung steroids,” tweet ni Vice Ganda. 


Hindi naman ito pinalampas ni Rendon Labador at si Ion Perez, asawa ni Vice Ganda ang binanatan.


“May ABS ka nga pero PALAMUNIN ka naman! AANHIN MO ANG ABS KUNG SA BAKLA KUMAPIT?” pambabanat ni Rendon Labador kay Ion Perez.


Matatandaan na isa si Rendon Labador sa hayagang bumatikos kina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang lambingan on-air na tinawag nitong kahayupan.


Ayon pa kay Rendon Labador, mas malala pa umano ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez dahil ginawa ito ng dalawa sa isang noontime show at sa harap pa mismo ng mga bata.


"I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng mga tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega!"


Hayagan pang nanawagan sa MTRCB si Rendon Labador upang kaagad na aksyonan ang ginawang 'kahayupan' nina Vice at Ion.


Sinang-ayunan naman ito ng ilang mga netizens at sinuportahan ang reklamo ni Rendon Labador sa MTRCB.


Inaksyunan naman ng MTRCB ang mga natanggap na reklamo at pinatawag na ang production team ng It's Showtime bukod kina Vice Ganda at Ion Perez para ipaliwanag ang buong kaganapan.


Sakaling mapatunayan ang paglabag maaring makulong sina Vice Ganda at Ion Perez. Maaring masuspende ang It's  Showtime.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo