Reaksyon Ni Kylie Versoza Sa Pag-amin Ni Chie Felomino Sa Understanding Nila ni Jake Cuenca

Lunes, Agosto 28, 2023

/ by Lovely


 Muling naging usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagyakap noon ni Chie Felomino kay Kylie Versoza sa gitna ng isyung paghihiwalay nila ng boyfriend na si Jake Cuenca.


Matapos ang mahigit isang taon, binalikan ng mga netizens ang ginawa noon ni Chie Felomino sa actress na si Kylie Versoza sa It's Showtime nang maging emosyunal ang huli dahil sa relasyon nila ni Jake Cuenca.


Ito'y matapos aminin ni Chie Felomino sa isang panayam na may pagkakaintindihan na sila ni Jake Cuenca at tanging opisyal na pagsagot lamang niya ang kulang.


“Well kasi prior to us having a relationship, because sa interview, he said kasi we did date before a couple of times. Pero kasi understandable kasi ‘yun ‘yung phase niya na medyo marami pang nangyayari sa kanya. And ako, I was young back then. In-accept namin ‘yung fact na nawala ‘yon. And I think naging destiny na lang din talaga na nagkita kami sa (recent) Christmas Ball," saad ni Chie Felomino.


Dagdag pa niya, "‘Yung nag-date kami before, nawala kasi ‘yon and then cut to nagkita kami then naging persistent siya, naging patient siya. Kasi medyo ilag pa ako sa kanya noon. Hindi ko siya sinasagot, like parang snob pa ako noon. Dini-deadma ko ang mga DMs niya before but nakita ko naman ‘yung change niya.”


Samantala, hindi pa nagbibigay ng anumang reaksyon si Kylie Versoza hinggil sa ginawang pag-amin ni Chie Felomino. Wala rin siyang binitiwang pahayag sa nararamdaman niya sa pagcomfort noon sa kanya ni Chie.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo