Hindi pa umano nakatanggap ang MTRCB ng reklamo tungkol sa isyu ng paghalik ni Tito Sotto sa leeg ng kanyang asawa na si Helen Gamboa habang naka-live noong sabado July 29, 2023.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, bukod sa wala silang natanggap na reklamo laban sa noontime show na E.A.T, mag-asawa naman umano sina Tito Sotto at Helen Gamboa.
Agad naman itong inalmahan ng mga It's Showtime fans ang pahayag na ito ng MTRCB. Ipinagdiinan pa nila na wala naman umanong malaswa sa ginawa ng dalawang It's Showtime hosts na sina Ion Perez at Vice Ganda.
Ayon pa sa mga fans nina Vice Ganda at Ion Perez, nagpakasal na rin naman umano sina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas, subalit bakit hindi pa rin sila natatanggap ng publiko.
Sa ngayon, lalong nadidiin ang MTRCB chairperson na si Lala Sotto. Pinaparatangan ito ng mga netizens na hindi patas at napaka biased porke't mga magulang niya ang nagkamali umano sa E.A.T.
Matatandaan na naglabas ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB para sa production team ng It's Showtime para magpalinawag sa nangyari sa isang episode ng show noong July 25, 2023.
Marami umanong natatanggap na reklamo ang MTRCB sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez na indecent acts sa harap ng mga batang guest hosts nila sa Isip Bata segments at sa mga bata manonood sa kanilang programa nationwide.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!