Tila hindi pa rin nadadala at unbothered pa rin ang Drag Queen na si Pura Luka Vega sa pagkakadeklarang persona non-grata o unwelcome person sa ilang mga lalawigan ng Pilipinas.
Bukod sa pagiging persona non-grata ni Pura Luka Vega, kinakaharap din niya ang ilan mga kaso na isinampa sa kanya dahil sa kanyang controversial na Ama Namin video kung saan ginaya niya ang kasuotan ng Black Nazarene.
Sa kamakailang tweet ni Pura Luka Vega, ibinahagi niya ang video kung saan ni lilip sync niya ang kanta ni Taylor Swift habang hawak niya ang kanyang larawan habang ginagaya si Jesukristo.
Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang mga fans patungkol sa pagiging persona non-grata niya sa mga lalawigan ng Manila, Bukidnon, Toboso, Nueva Ecija, Cagayan de Oro City, Cebu City, General Santos City, Occidental Mindoro, Coron Palawan at Dinagat Islands.
Hinamon pa niya ang iba pang mga lalawigan sa Pilinas na ideklara pa siya bilang persona non-grata.
“Ito lang masasabi ko… simplehan lang natin ha? Lahat tayo makasalanan. Tama? Hindi tayo perpekto. Tama? Gayunpaman, do unto others what you want others to do unto you. Okay? Do not do unto others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po ‘yun,” saad ng kontrobersyal Drag Queen.
Dagdag pa niya, “Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan niyo pa! Pakialam ko. Mayroon tayong separation ng church at ng state. ‘Yun lang po. Thank you po!”
Tila tinupad naman ng ilang lalawigan ang paghahamon na ito ni Pura Luka Vega dahil lamang naglabas ng deklarasyon ang Bohol at Mandaue kung saan dinideklara nila bilang persona non-grata si Pura Luka Vega.
OKAY PERSONA NON GRATA TOUR!!! pic.twitter.com/gMwIMj2wjI
— captivating m1ss squi 🏳️⚧️ (@femcelgender) August 20, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!